ITINALAGANG officer-in-charge ng Iloilo City PNP si Senior Inspector Jovie Espenido.
Dahil mayroong batas o regulasyon na ang hepe ng pulisya ay kailangang may ranggong senior superintendent, kaya OIC lang ang status ng pagkakatalaga ni PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa kay Espenido.
Hindi na tayo nagtataka kung bakit madalas na bisita ng iba’t ibang media outlet si Mayor Jed Mabilog ng Iloilo City.
Sinabi ni Mabilog na welcome sa kanya si Espenido bilang hepe ng Iloilo City PNP.
Pero kasabay no’n sinabi niyang, nagdarasal din siya sa Diyos na bigyan siya proteksiyon at ang kanyang pamilya. Matagal na raw niyang nalinis sa ilegal na droga ang kanilang lungsod pero kung kulang pa umano ang kanyang paglilinis, maaari umanong matulungan siya ni Espenido.
Umaasa rin umano si Mabilog na ang pagkakatalaga kay Espenido sa Iloilo ay makapagpapakita kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte kung ano ang tunay na larawan ng ‘drug situation’ sa lungsod.
Bilib din tayo sa ‘fighting spirit’ ni Mayor Mabilog. Mukhang nakahanda siyang harapin si Major Espenido.
Siyempre nakatutuwa ang sinasabi ni Mayor Mabilog na matagal na niyang nilinis sa ilegal na droga ang Iloilo City.
Lalo na kung totoo ‘yan. Pero kung pinalalakas lang ni Mayor Mabilog ang kanyang loob at mayroon pa siyang naitatabing iba’t ibang klaseng basura, ang maipapayo lang natin, maglinis-linis na siya.
For the meantime, tanungin natin ulit siya, nakahanda ka na ba, Mayor Mabilog?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com