Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Stab saksak dead

Lady guard pinatay ni mister (Chikinini pinagselosan)

PATAY ang isang lady guard makaraan pagsasaksakin ng nagselos na mister dahil sa nakitang chikinini ng biktima sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Agad binawian ng buhay sa insidente ang biktimang si Joanna Lyn Dolor-Porton, 39, ng Block 16-A, Lot 41, Phase 3, Langaray, Brgy.12, ng nasabing lungsod, security guard sa isang mall sa Divisoria.

Tinangkang tumakas ng suspek na kinilalang si Roque Porton, 29, ngunit nahuli ng mga barangay tanod, na ngayon ay nahaharap sa kasong parricide.

Batay sa ulat ni SPO1 Rommel Bautista, dakong 7:00 pm nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mag-asawa sa Brgy. 12 ng nabanggit na lungsod.

Napag-alaman, nang dumating ang lady guard, agad siyang sinalubong ng suspek at kinukuha ang dalawa nilang anak ngunit hindi pumayag ang biktima.

Bunsod nito, nagtalo ang dalawa hanggang mapansin ng suspek ang umano’y chikinini ng asawa.

Sa puntong ito, sinabi aniya ng biktima sa asawa kung sino ang may kagagawan ng chikinini.

“Kapwa niya guwardya raw, hinawakan ko na ang buhok n’ya dahil gugupitin ko. Kumuha siya ng kutsilyo. Naagaw ko, nasaksak ko siya,” sabi ng suspek.

Samantala, sinabi ng ina ng biktima, nitong Hulyo ay nagsumbong sa kanya ang anak na pinagbabantaan siya ng asawa.

“Hiwalay na sila pero nagkakabalikan e. Mula nang mag-asawa sila, ‘di ko pa nakikilala. Ngayon ko lang nakita. Wala namang trabaho ang lalaki,” sabi ng ina.

Aminado ang suspek na dati siyang gumagamit ng ilegal na droga.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …