Thursday , December 26 2024

Imbestigasyon sa recognition for sale, kailan SoJ Vitaliano Aguirre!?

HABANG inaabangan ng lahat kung ano ang kahihinatnan ng imbestigasyon ng Ombudsman tungkol sa nangyaring bentahan ng ‘instant’ Filipino citizenship sa Bureau of Immigration (BI), marami ang nagtatanong kung kaninong panahon ng mga umupong Justice secretary nangyari ito.

Bakit nga raw ito pinalusot nang ganoon na lamang ng Department of Justice (DOJ) gayong ang recognition as Filipino citizen ay daraan muna sa approval ng Secretary of Justice bago ito ipatupad ng nakaupong BI-Commissioner o OIC.

If my memory serves me right, ang lola Leila de Saba ‘este De Lima ninyo ang kasalukuyang DOJ secretary noong mga panahong ‘yun!

Sonabagan!

Tumpak!

Siya mismo ang newly appointed noon na ulo ng DOJ nang panahong umupo as OH I SEE ‘este BI-OIC si Atty. Roy Ledesma.

Ibig sabihin nakalusot sa pang-amoy ng lola n’yo ang katiwalian noong mga panahong ‘yun!?

Well, since magulo pa ang administrasyon ng mga dilawan noon dahil sa transition kaya naman hindi nakapagtataka na na-overlook ng DOJ Secretary ang kaaliwaswasan na ito sa BI. Ayon sa ilang beterano sa Immigration main office, kaya pala para lang namumulot ng kamatis sa bukid ang mag-BFF na fixers na sina alias Betty Chuawawa at Anna Seenghot kung makapagpa-approved ng recognition noong panahon na ‘yun!?

Susmaryosep!

Para palang natokhang tayo ng dalawang notoryus na fixer na ‘yan?!

Isipin ninyo kung gaano kalaki ang 300K-500K halaga per approved recognition noong mga panahong iyon.

Skyrocketing kumbaga!

E kahit nga mga patay nang tsekwa nagagawa pang buhayin at gawing instant Pinoy!

Napakalaking kasalanan sa sambayanan ‘yan!

And knowing how hate ni SOJ Vitaliano Aguirre ang lola Leila de Lima n’yo, I’m sure hindi niya palalampasin ang isang imbestigasyon na magmumula sa departamento niya. Nakupo!

Naloko na!

Dapat talaga umpisahan na ang isang investigating panel bago pa man maunahan ng kamara at senado.

This calls for your attention, SOJ Aguirre, Sir!

Imbestigahan na ang ‘Citizenship For Sale’ na ‘yan!!!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *