BUKOD sa isyu ng barko-barkong smuggling ng semento na kinasasangkutan ng anak ni Senator Panfilo Lacson, na si Pampi Jr., pumuputok na rin ang pangalan ng isang lady boy na kung tawagin ay ‘anak ng surot.’
‘Yan daw ‘anak ng surot’ ay isa sa mga kasosyo ni Pampi Jr., sa kanyang ‘pagpaparating’ ng barko-barkong semento. Hindi lang natin alam kung nasa papel ba ang pagsososyo nila o sosyo sa diskarte lang sa customs?!
Tinawag na ‘surot’ ng isang ex-president ang tatay ni lady boy dahil kayang-kaya nitong ‘sumuot’ at ‘sumuksok’ sa kahit kaninong kampo na ang layunin ay magsulsol ng destabilisasyon.
‘Nakasuksok’ umano ang nasabing lady boy na anak ng surot sa Bureau of Customs (BoC) noong panahon ni Commissioner Ruffy Biazon.
Nagtamasa umano nang husto sa panahon ni Biazon at nakakonek sa Office of the Commissioner at sa accreditation ng mga kompanya.
Ang anak din umano ng ‘surot’ ang naghatag ng mga consignee for hire kaya namayagpag nang husto sa Customs. Diyan mahusay ang pamilya surot. Magaling kumonek nang kumonek kaya kahit ang nagkonek sa kanila kayang-kaya nilang i-destabilize.
Kahit itanong pa ninyo kay ex-president at ngayon ay Rep. Glorica Macapagal Arroyo.
Bukod kay lady boy, madikit o kasosyo din umano ni Pampi Jr., ang isang ex-customs official na ‘nasilat’ noong panahon ni PGMA dahil sa unexplained wealth kaya nag-resign na lang, kaysa masampahan ng kaso at mabawian ng tagong-yaman.
Tinangkang makapasok sa administrasyon ni PNoy pero muling nabigo kaya ngayon sa administrasyong Duterte ay gumagawa ng paraan para muling makapasok.
Sabi ng source, mukhang kinoryente si Sen. Ping ng ‘anak ng surot’ at ng ex-Customs official.
Kaya nang rumesbak si outgoing Customs Commissioner Nick Faeldon, hindi na lumutang ang dalawa at hinayaang masalang ang mag-amang Lacson.
Wattafak!?
Ibig sabihin naisahan ang mag-amang Lacson?! Kuwidaw, Senator Ping, kilalang mabilis pa sa Hunyango kung magpalit ng kulay ang tatay na surot, kapag nagkataon, mukhang natsubibong tuluyan kayong mag-erpat?!
Arayku!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap