Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nadine, ayaw patulan ang mga taong bumabatikos sa kanya

DEADMA na lang si Nadine Lustre sa mga taong patuloy siyang binibira at lahat halos ng kanyang galaw ay binibigyang kulay.

Tsika ng ilang taong close kay Nadine, hindi apektado si Nadine sa tuloy-tuloy na batikos ng ilang kapatid sa panulat dahil imbes na magalit ito, ginagawa na lang inspirasyon ni Nadine ang mga pagne-nega sa kanya para mas magtrabaho pa ng maayos at dito na tumutok. Aminado si Nadine na bantay sarado ang bawat galaw niya bilang public property dahil artista siya kaya hindi nito nagagawang magalit sa mga taong patuloy ba binabanatan siya.

Maraming bagay pa naman ang puwede nitong gawin kaysa pumatol, katulad ng pagtulong sa mga batang may karamdaman, pagtutok sa kanyang negosyo at iba pa. Sa ngayon, abala si Nadine mula Monday to Saturday sa pagho-host sa It’s Showtime at tinatapos niya rin ang kanyang album. Lalabas na rin ang kanyang libro at malapit na siyang mag-shoot ng kanyang bagong pelikula habang pinoproseso naman ang susunod nilang telesereye ni James Reid.

MATABIL – John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …