KAHAPON, ginawaran ng “Order of Lapu-Lapu” si police Chief Inspector Jovie Espenido sa pagdiriwang ng National Heroes Day sa Taguig City.
Bago ito, ginawaran din si Espenido ng Magalong Medal, na iginagawad sa mga opisyal o kawani ng pamahalaan na nakapagbigay ng “extraordinary service” na nakapag-ambag nang malaki sa tagumpay ng kampanya o adbokasiya ng isang pangulo.
Pero hindi ang award ni Espenido ang pinag-uusapan sa social media.
Tinututukan ng netizens ang pagtatalaga sa kanya ng Pangulo sa Iloilo City na ang nanunungkulang alkalde ay si Jed Patrick Mabilog.
Pinsan ni Senator Franklin Drilon at sinasabing nasa talaan ng narco-politicians.
Magugunitang si Espenido ay dating nakatalaga sa Albuerra, Leyte, noong nanunungkulang mayor si Rolando Espinosa Sr., ang tatay ng sinasabing big-time drug lord na si Kerwin Espinosa.
Ang matandang Espinosa ay napatay sa loob ng bilangguan ng mga pulis na magsisilbi ng arrest warrant.
Si Espenido ay nalipat sa Ozamiz City na ang mayor ay si Reynaldo Parojinog na kamakailan ay napatay kasama ang 14 iba pa ng tropa ng pulisya.
Kaya nang italaga ng Pangulo si Espendido sa Iloilo City, marami ang naniniwala na next project na ang drug lords sa Iloilo.
At ‘yan ang kaabang-abang sa bagong destinasyon ni C/Insp. Jovie Espenido.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap