Saturday , November 23 2024
immigration passport plane map lebanon

Travel ban sa Lebanon tanggalin na! (Attention: DFA)

ATING babatiin muna ang koponan ng GILAS Pilipinas sa magiting na pakikipagsagupa sa kanilang mga nakalaban sa larong basketball sa Beirut, Lebanon.

Matapos mamayagpag laban sa mga koponan ng China, Iraq at Qatar, sinamang-palad sila nang itiklop ng mga Koreano sa knock-out game quarterfinals.

Sa kabila nito, dagsa ang naging suporta ng ating mga kababayang Pinoy na umabot pa raw sa mahigit 2,000 overseas Filipino workers (OFWs).

Sa mga nakapanood ng live telecast ng mga naturang laban, kitang-kita na dinomina ng mga kababayan nating Filipino ang bilang ng mga manonood.

Mas higit pa sa bilang ng mga taga-suporta ng mga Lebanese.

Pero teka muna…

Tila nagtataka ang inyong lingkod kung bakit ganoon karami ang lumutang na Pinoy OFWs na karamihan ay mga kababaihan sa Lebanon?

Biglang sumagi sa isip natin na may TRAVEL BAN ang ating bansa patungo sa nasabing bansa, ‘di ba!?

Anyare?!

Wala tayong natatandaan na nagbaba na ng LIFTING ang DFA sa ban papuntang Lebanon?

Bakit parang kabuteng dumami ang ating mga kababayan doon?

Well, habang pinapanood natin ang ilang advertisements na ipinalalabas tungkol sa nasabing bansa, lubhang progresibo ito at parang walang bakas na sinalanta ng giyera.

Kung ating oobserbahan ang mga Filipino audience, makikita natin na sila ay marami at masasaya noon.

Ibig sabihin, tila hindi naman sila naghihirap at nasa delikadong kalagayan katulad ng mga naiuulat sa mga balita.

Kung karamihan sa kanila ay nagtatrabaho doon bilang domestic helpers, ibig sabihin ay maluwag silang pinapayagan ng kanilang employers na manood at makiisa sa laban ng Gilas.

Kung ganito pala ang sitwasyon, dapat siguro ay tanggalin ang travel o deployment ban sa Lebanon at payagan nang makapagtrabaho roon ang mga Filipino!

Balita pa nga natin ay talagang maganda pa nga raw magpasuweldo ang mga employer sa bansang ito kung ikokompara sa ibang Asian and middle eastern countries.

Ano kaya ang masasabi ng mga taga-DFA tungkol dito?

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *