HABANG binabakbakan si outgoing Customs Commissioner Nicanor Faeldon ng mga mambabatas kaugnay ng nasakote nilang P6.4 bilyones na pinalusot na shabu, pinilit din kaladkarin ng ilang ‘anti-Duterte’ group ang pangalan ng anak ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na si Davao city vice mayor Pulong Duterte.
Inakusahan ng ‘anti-Duterte’ group ang anak ni Pangulong Digong na siya umanong may kontrol sa tinatawag na Davao Group na sinabing nag-oopereyt sa loob ng Bureau of Customs (BoC).
Pero agad nagsalita ang Pangulo, “This is a nationwide broadcast so I might as well tell you. I am not defending my son. Prove it, it is true, and I will resign.”
Kahit sino sa kanyang mga anak kapag napatunayang sangkot sa iba’t ibang iregularidad, nakahanda umanong bumaba sa puwesto ang Pangulo.
Ganyan kabigat ang brinkmanship ng Pangulo.
Sana ganyan din ang gawin ni Senador Panfilo Lacson sa kanyang anak na si Panfilo “Pamfi” Lacson Jr.
Mag-resign agad-agad ang Senador kapag napatunayang sangkot sa smuggling ng semento ang kanyang anak na si Junior.
Kapag ganyan ang ginawa ni Senator Ping, mananatili ang kanyang Mr. Clean image at mapapatunayan niya na wala siyang kinalaman sa mga aktibidad ng kanyang anak.
Anyway, alam naman ng mga importer kung paano kinukuwenta ang buwis ng mga ipinapasok nilang produkto.
Kung may Value Added Tax (VAT) ba ‘yan o wala, mapapatunayan ‘yan sa post audit.
At ‘yun ang puwedeng gawin ni Pampi kasama ang kanyang Daddy.
Ipa-post audit ang ‘parating’ niyang barko-barkong semento para malaman ng publiko kung may naganap na ‘smuggling…’
Kung mapatunayan na may paglabag, pagbayarin!
Kapag napatunayan ng BIR, dapat mag-resign si Senator Ping, out of delicadeza.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com