Thursday , December 26 2024

Walang ‘alibi’ sa integridad at delicadeza

LIDER Kuomintang man o Komunista, nagpakita ng integridad at delicadeza ang mga pangunahing lider ng China, sa Taiwan, sa Macau at sa Hong Kong sa gitna ng malalaking sakuna at disgrasya na labis na nakaapekto sa marami nilang mamamayan.

Una rito, nang magbitiw sa tungkulin ang Taiwanese minister matapos magkaaberya ang power plant na naging sanhi para mawalan ng elektrisidad ang 668,000 tahanan, tindahan at establisyemento sa Taiwan.

Dahil sa apat na oras na kawalan ng koryente, maraming mamamayan ang nakulong sa mga elevator, nabinbin sa trapiko at marami ang natigil sa kanilang ginagawa.

Nitong 15 Agosto 2017, dakong 4:50 pm, anim na yunit ng Datan Power Station sa Taoyuan, sa timog ng Taipei, ang biglang bumigay na naging sanhi nang biglang pagbagsak ng four million kilowatts ng elektrisidad.

Inako ni Economics Minister Lee Chih-kung ang responsibilidad sa insidente at agad naghain ng resignasyon kay Premier Lin Chuan, na agad tinanggap ng huli.

Isang linggo pagkatapos ng insidenteng ito, humingi ng paumanhin ang isang lider ng Macau, kasabay ng pagbibitiw ng kanilang weather chief matapos grabeng salantahin ng bagyong Hato ang kanilang bansa na nag-iwan ng walong casualty.x

Dahil sa lawak ng nasalanta, nagbitiw si Fong Soi-kun, ang director ng Macau Meteorological and Geophysical Bureau.

Inako ni Fong Soi-kun ang responsibilidad dahil hindi umano nila nabasa nang tama ang lakas ng bagyong Hato.

Bukod sa walong namatay, 200 tao ang sinabing nasaktan, at libo-libong tahanan ang nawalan ng elektrisidad at nawalan ng supply ng tubig.

Maging si Macau Chief Executive Fernando Chui Sai-on ay inamin na hindi handa ang kanyang administrasyon sa “catastrophic impact” ng nasabing bagyo.

Walang nagbitiw sa Hong Kong officials dahil wala silang tigil sa pagbibigay ng babala sa mga residente dahil nakita na nila ang malakas na bagyo.

Sa totoo lang, nakaiiyak makabalita nang ganito sa isang malaking bansa na magkakaiba ng political leanings pero nagkakaisa kapag delicadeza sa pamumuno at responsibilidad ang pinag-uusapan.

Ibig sabihin, nakaugat iyon sa kanilang kultura at pagmamahal sa bayan.

Malayong-malayo sa mga nakikita natin dito sa ating bansa.

Puro palpak na, panay pa ang depensa.

Hindi lang ‘yan, kung sino pa ang nagsisikap na gumawa nang tama, sila pa ang natatanggal sa puwesto.

Habang ‘yung mga sangkot sa iregularidad, sila pa ang malalakas ang loob na nag-aakusa at panay pormang Mr. Clean.

Ikula mo pa sa Perla, Mr. Clean para lalo ka pang pumuti.

Kailan kaya mai-internalize ng mga namumuno sa ating bansa ang ibig sabihin ng delicadeza, integridad at pagmamahal sa bayan?!

Tsk tsk tsk…

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *