Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

May hindi ‘makita-kita’ si Sen. Ping Lacson?!

MUKHANG kinapos at hindi umabot nang 360 degrees ang ‘pagmamasid’ ni Senator Panfilo “Ping” Lacson tungkol sa isyung ipinupukol niya kay dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Maraming demoralisado sa BOC rank & file employees sa unang ‘tirada’ ni Senator Panfilo “Ping” Lacson nang halos lahatin niya ang mga taga-Customs sa corruption na iniaakusa niya kay Faeldon na nagkamal ng P100-milyong pasalubong.

‘Inilantad’ ang umano’y operasyon ng grupo ni Faeldon.

Inilitanya ang maraming pangalan sa kanyang listahan, mga tinukoy niyang bagman, players at mga opisyal ng Customs na inaakusahan niyang nasa isang malaking mafia.

Kasama sa listahan ang ilang player na nag-lie low, tumigil na sa negosyo at ‘yung iba nga ni ha, ni ho, hindi na nababalitaan.

Bagama’t nang oras na nagsasalita siya, marami ang nagsasabi, “‘Yan na naman si Pinky, pumoporma na namang Mr. Clean na gustong daigin ang Perla sa kaputian, hak hak hak!”

‘Yung tiradang parang gustong, ilugmok nang husto si Faeldon. Gustong tirisin?!

Bagamat mayroong sumakay nang konti pero duda pa rin dahil sa sirang-plakang estilo ni Ping. Ginamit pa niya ang pamagat ng pelikulang ‘Kita Kita’ dahil kitang-kita raw niya ang sandamakmak na katiwalian ng grupo ni Faeldon.

Pero walang dokumentong maipakita, kumbaga hearsay lang daw ang ibang rebelasyon ni Sen. Ping.

Sabi nga sa kanta ni Gary Valenciano… andiyan ka naman…

Pero may hindi nakita si Ping, dahil ang kanyang mga mata ay parang sa pang-kalesang kabayo na nilalagyan ng tapa ojos, para nakatuon lang sa isang direksiyon.

Kaya siguro hindi makita-kita ni Ping ang mga ‘parating’ ng kanyang anak.

Mga parating na hindi konti-konti dahil hindi conti-container kundi barko-barko ang ipinararating na mga semento.

Wattafak!?

Sabi nga ni Faeldon, “big-time smuggling!”

Kahapon sa kanyang ipinatawag na press conference sa kanyang tahanan sa Tanay, Rizal, tahasang pinangalanan ni Faeldon ang anak ni Ping na si Panfilo “Pampi” Lacson Jr., na isa sa mga big-time smuggler na nagpapasok ng barko-barkong semento.

(By the way, ang press conference ni Faeldon ay ginanap sa kanyang bahay sa Tanay, Rizal na masasabing kailangan nang paglaanan ng panahon upang maipaayos).

Natuklasan nila ito, noong ika-12 araw nila sa Customs.

Ayon kay Faeldon, ang kompanya ng anak ni Ping na Bonjourno ay mayroon lamang P20,000 kapital pero nakapag-import nang bilyon-bilyong pisong halaga ng semento sa kabuuang 67 shiploads.

(Sana naman po walang kasamang ‘coke’ o methamphetamine hydrochloride ‘yang mga sementong ‘yan).

Sa kabuuang ito, nais lang magbayad nang kalahati ng freight cost ni Pampi.

Sinabi rin ni Faeldon, na ayon sa Cement Manufacturers’ Association of the Philippines, ang kompanyang Bonjourno, ang pinakamalaking cement smuggler sa bansa.

Oh my gosh!!!

Buong tapang na sinabi ni Faeldon, “I guarantee you, Senator Lacson, the document your son presented to me wasn’t genuine.”

Hindi lang umano semento, may kumakalat na usapin sa Aduana na tinangka rin umanong magpasok ng bakal at kotse ni Pampi na dapat mabusising mabuti.

Mayroon din umanong mga kargamento na tinangkang ipalusot sa Port of Subic pero naharang agad ng SBMA.

Tsk tsk tsk…

Hindi pichi-pichi ang ibinunyag na ito ni daing Commissioner Faeldon kaya hindi na tayo nagtataka kung bakit marami ang gustong mawala si Faeldon sa Customs.

Mismong si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang nagsabi na dalawang beses naghain ng resignation letter si Faeldon pero hindi niya tinanggap, dahil naniniwala ang Pangulo sa integridad at kredebilidad ni Faeldon.

Pero ibang klase kung kumilos ang kuwarta ng mga detractor ni Faeldon at kahit nga wala na siya sa Customs, gusto siyang tuluyang ilugmok.

Mukhang sa maikling panahon ng kanyang panunungkulan ay mayroon talagang napigilan o naitigil na kaaliwaswasan si Faeldon na ‘nasaktan’ nang todo kaya ngayong wala siya sa posisyon, siya ay binabawian at nais din ilugmok nang husto.

But knowing Nick Faeldon, sabi nga, we can’t put a good man down.

Fight Sir Nick Faeldon!

PUERTO PRINCESA INT’L
AIRPORT NO ELECTRICAL
OUTLET, NO WI-FI!

DESMAYADO ang mga pasahero sa ipinagmamalaking bagong Puerto Princesa International Airport (PPIA) sa ilalim ng pamamahala ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Na naman!?

E saan naman kayo nakakita ng international airport pero walang wi-fi at walang electrical outlet na puwedeng saksakan para makapag-charge ng cellphone o battery pack?!

Heto pa, napakaingay ng kanilang public address system kaya hindi maintindihan kung ano ang mensahe.

Sabi nga nila, very unfriendly airport ang PPIA.

At higit sa lahat, ang kanilang terminal fee ay P200.

Wattafak!?

Kung hindi tayo nagkakamali ang PPIA expansion project costs ay umabot sa $102.56 milyon. Dolyares po ‘yan. Nasungkit ito ng Korean group Kumho Industrial Co. Ltd. – GS Engineering and Construction joint venture, ayon mismo ‘yan sa Department of Transportation (DOTr).

Anyare?!

Again, paging CAAP DG Jim Sydiongco!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *