Friday , November 15 2024

Korea

MARAMI ang sumisisi sa North Korea at sa lider nito na si Kim Jong-un bilang ugat ng krisis sa Korean peninsula ngayon.

Subalit ang hindi napapansin ng karamihan ang katotohanan na ang tunay na ugat ng krisis ay sapilitang paghahati sa bansang ito ng United States at dating Unyong Sobyet (ngayon ay Russia) matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ang pasya noong 1945 ng US at Russia na hatiin sa 38th parallel ang Korean peninsula ay nagbunga ng pagkakahiwalay ng mga pamilya’t magkakamag-anak, pagkawasak ng lipunang Koreano at dahan-dahang pagkasira ng kultura nila. Pansinin na nagkakaroon na ngayon nang pagkakaiba ang North at South Korea pagdating sa kultura at paniniwala.

Biniyak ang Korea sa Hilaga (North) at Timog (South) sa 38th parallel bilang tagpuang hangganan n ito. Ang North Korea ay pansamantalang inokopohan ng Russia samantala ang South Korea ay sinakop ng US.

Ano kaya ang basehang karapatan ng dalawang bansa na hatiin ang isang bayan o lipi nang wala man lamang karampatang konsultasyon sa mga maaapektohan ng hatian? Itinuring ng US at Russia na basahang pinag-aagawan ang Korea na lalong nagpaigting sa Cold War ng dalawang dambuhala.

Dapat nating mabatid na noong 1948, matapos maitayo ang Democratic People’s Republic of Korea (ang opisyal na pangalan ng North Korea) ay nilisan na ng Rusya ang Korean peninsula. Samantala sa kabila ng pagkakatatag ng Republic of Korea (opisyal na pangalan ng South Korea) noon ding 1948 ay hindi na umalis ang puwersang Amerikano.

Dapat din nating mabatid na matapos maita-tag ng mga komunista noong 1949 ang People’s Republic of China at bago sumiklab ang digmaan sa Korea noong June 1950 ay nagpasya ang US na guluhin, kundi man tuluyang lusawin, ang mga komunistang bansa sa Asya, kabilang na rito ang North Korea at Tsina na di kalaunan ay naging mitsa ng tatlong taon na digmaan sa Korea (1950-53).

Malaki ang papel nang patuloy na pananatili ng US sa South Korea sa ikinikilos ng pamunuan ng North Korea ngayon. Hindi ko sila masisisi kung para silang may sayad kung magkikilos dahil mahigit sa 30 porsiyento ng kanilang populasyon ang namatay at halos lahat ng kanilang mga lungsod at bayan ay inabo ng US sa kasagsagan ng Korean war.

Matagal nang ibig makipagkasundo ng North Korea sa US para matigil na ang kaguluhan sa Korean peninsula pero ayaw silang pakinggan. Gusto kasi ng US na manatili ang pagkakahati ng Korean peninsula para may dahilan sila na magpalakas ng puwersa sa Asya at harapin ang Tsina.

Ginagamit lamang ng US, Japan at South Korea na dahilan ang kahirapan ng mga North Koreans para ma-presyur ang lider nito na sumuko at nang makalapit sila sa border ng Tsina tulad ng ginagawa ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) ngayon sa silangang Europa para maka-lapit sa Russia.

Nasa likod ng kilos ng US, Japan at South Korea laban sa North Korea ang kagustuhan na masabotahe ang patuloy na paglakas ng Tsina.

***

Opisyal ng Manila International Airport Autho-rity sangkot daw sa smuggling. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com

Sana ay makaugalian ninyong bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang mga segments nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.

***

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.

USAPING BAYAN – ni Rev. Nelson Flores, Ll.B., MSCK

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *