SIGURADONG madedesmaya ang matataas na opisyal ng MIAA at PAGs sakaling makarating sa kanilang kaalaman na ang pinagkatiwalaan nilang isang opisyal ng airport porterage na dating kawani ng isang airline at rekomendado pa mandin ng isang mataas na opisyal ng PAGs ay nag-aastang “Hari ng Hidhid” na ang bawat utos ay hindi dapat mabali?!
Batay sa mga sumbong na nakalap ng Bulabog porter boys natin, ang nasabing Porterage official ay nagpapasundo’t hatid sa kanilang bahay halos araw-araw gamit ang mga tauhang porter na may motorsiklo.
Sakay sa porter na may motor, nakaangkas ang putris ‘este porter official na umiikot sa bawat airport terminal para umano kunin naman ang ‘tara’ sa mga team leader?!
Sonabagan!!!
Ang malupit nito, ang porter official ay umo-order umano ng mga manok na halagang P10K pataas sa mga porter na umuuwi sa Batangas, Tarlac, Pampanga at pagkatapos ay hindi naman binabayaran?!
King enuh!!!
Baka madale ka ng bird flu, sir!
Huwag naman masyadong masiba!
Madalas pa umanong panakot ni porterage official sa mga porter niya, ililipat sila sa ibang terminal kapag hindi napagbigyan ang kanyang mga malulupit na request.
Hanep ka!
Pinapapasok pa ni Porterage official ang mga porter niya para ‘tumulak’ kahit wala pa sa oras ng kanilang official shift o schedule.
Parang alipin na niya ang mga porter ha?!
Pinipilit din umano ni porterage official na pumasok ang kaniyang mga porter kahit day off para makuha ang kulang na quota.
Aba’y paglabag na sa karapatan ng mga manggagawa ang kostumbreng nito!
Bisyo rin umano ang madalas na pagpapabili ng take-home food sa porter bago umuwi pero hindi man lang nagbibigay ng perang pambili ng pagkain?!
Ang kapal mo talaga!
At noong naglipat-bahay si ang ‘hidhid’ na official, mga porter na puyat sa magdamag na trabaho ang pinaghakot at pinagbuhat ng mga gamit nila hanggang sa pag-aayos ng kanilang bagong bahay.
Walastik!
Asensado na agad, naka-apartment na?!
Hiling ng mga pobreng airport porter ay makarating ang hinaing nila kay MIAA general manager Ed Monreal na isang tao ang nagpapapangit sa imahen ng airport sa katauhan ng nasabing ‘hidhid’ na porterage official.
Hirap na nga ang mga porter, pinahihirapan pa ng hidhid na opisyal!
Fact U!
1602 PA RIN
SA MAYNILA
KA JERRY, bookies ng STL cum weteng ay nasa loob ng gusali sa Matimyas St. Apat na district director ng MPD na ang dumaan pero smooth sailing pa rin ang operation nina EDNA/ENTENG na naka-umbrella kay 1602 bagman cop SPO2 FRESNEDI. May isa pa sa boundary ng Sampaloc at Blumentrit na nasa ikalawang palapag ng gusali! ‘Yan ba ang bawal ang sugal sir?
+639155019 – – – –
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com