KUMIBO na ang Indonesian at Philippine Consulate sa Hong Kong sa kinasasanyang kotumbre ng mga Chinese Hong Kong residents na dinadala ang kanilang domestic helper sa mainland China.
Matagal na raw itong nagiging kalakaran ng mga Chinese Hong Kong residents bilang employer pero napagtuunan lang ng pansin nang isang Filipina domestic helper sa Hong Kong, kinilalang si Lorain Asuncion, ang namatay sa mainland China.
Namatay si Asuncion nang mahulog sa isang building sa Shenzhen nitong 24 Hulyo 2017.
Originally, ang kontrata ni Asuncion ay DH sa Hong Kong pero dinala siya ng kanyang employer sa mainland China para pagtrabahuin sa isang kamag-anak.
At doon nga siya nahulog sa isang mataas na building.
Ang huling balita, inaresto na ng Hong Kong police ang employer ni Asuncion dahil iyon ay malinaw na kaso ng human trafficking.
Matagal na umanong umiiral ito.
Nahalata na umano ito ng Indoneian Consulate dahil mabilis maubos at wala nang matatakan na pahina ang passport ng ilang DH. Ibig sabihin puno na sa paroo’t parito sa China.
‘Yan ay sa loob lamang ng dalawang taon.
Ibig sabihin, halos linggo-linggo kung dalhin sa China ‘yung DH.
Bukod diyan, mayroon din umanong mga Pinay DH ang nabibigyan ng visa na multiple entry sa mainland China.
Trending ngayon sa Hong Kong ang isyung ito kaya maging ang iba’t ibang rights group ay nagkakaisa na nananawagan sa Hong Kong government na arestohin ang talamak na ‘human trafficking’ na ginagawa ng mga Chinese Hong Kong residents na may bahay o mga kamag-anak sa mainland China.
Tingnan n’yo naman, kailangan pang magbuwis ng buhay ang isang Filipina na si Lorain Asuncion bago aksiyonan ang nagaganap na ‘human trafficking’ sa pamamagitan ng pagpapahiram ng kanilang DH sa mga kamag-anak nila sa mainland China.
Vice Consul Alex Valespin, buti pa ‘yung Indonesian consul nahalata na mabilis maubos ang pahina ng passport mga kababayan nila sa loob ng dalawang taon…
Ikaw, wala ka bang nahahalata?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com