HINDI natakot ang malaking bilang ng audience ni Ariana Grande kaya dinumog pa rin ang kanyang concert nitong Lunes ng gabi sa SM MOA — Dangerous Woman Tour: Ariana Grande Live in Manila 2017.
Pero dahil nga may history ng pambobomba sa kanyang nakaraang concert, pinahigpit ang seguridad.
Ipinaiwan ng SM MOA ARENA security group ang bag ng mga audience. Para walang abala, maraming audience ang nag-submit sa patakaran ng security.
Heto ngayon ang siste, nang matapos ang concert, hindi nakontrol ng security group ang ‘exodus’ ng audience para kunin ang kanilang mga bag.
Nagkagulo, naghatakan, kanya-kanyang dampot ng bag na hindi sigurado ng security guard kung sila nga ang tunay na may-ari.
Hanggang marami na ang nagrereklamo na nawala ang bag nila at hindi na alam kung saan napunta.
Wattafak!?
Isinusulat natin ang kolum na ito’y marami pa tayong natatanggap na reklamo at kuwento tungkol sa kanilang mga bag.
Sa mga ganitong pangyayari, tingin natin ay may pananagutan ang producer ng show dahil wala silang prior announcement na ipaiiwan nila ang mga bag ng mga manonood sa concert venue.
Kung nag-announce sila nang maaga na bawal magdala ng bag, e ‘di sana hindi na nagdala ng bag ang audience.
Paano ngayon ang mga nawalan ng mahahalagang gamit dahil nawala ang bag nila?!
‘Yung mga nasirang bag?!
Dapat panagutan ng producer ‘yan!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com