Monday , December 23 2024

OFWs priority na sa pagkuha ng passport (No need for online appointments)

GOOD NEWS sa lahat ng overseas Filipino workers (OFWs).

Exempted na sa online appointments ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang halos 400,000 OFWs na kukuha ng passports para sa pagtatrabaho nila sa labas ng bansa.

Napagdesisyonan ito ng DFA dahil maraming OFWs ang nawalan ng oportunidad na makapagtrabaho sa labas ng bansa dahil inaabot nang dalawa hanggang tatlong buwan ang nakukuha nilang online appointments.

Sakali mang nakakuha ng appointments sa pagkuha ng passport, maghihintay pa rin nang halos mahigit isang buwan bago mai-release ang passport.

Dahil umano sa ganyang sitwasyon, imbes makakuha agad ng trabaho, nababaon pa sa utang ang mga nagpaplanong maging OFW.

Ayon kay DFA undersecretary Jose Montales inaprubahan na ang hiling ng overseas recruitment industry na ang new applicants para sa overseas jobs ay hindi na kailangan dumaan sa proseso ng online appointments system sa Consular Affairs Office.

Sa rekord ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), mayroong 250-300 OFWs na kailangan ng land-based agencies at 100,000 OFWs para naman sa sea-based na nangangailangan ng passport pero dahil sa prosesong online appointments na halos inaabot nang tatlong buwan hindi ito napunuan ng manpower agencies.

Ang magiging resulta nito, kukuha ang mga nasabing kompanya sa ibang bansa para mapunuan ang kinakailangan nilang manpower.

Sa pakikipagpulong nina Federation of Manpower Exporters Inc. (FEDEMANEX) President Alfredo Palmiery at Coalition of Licensed Agencies for Domestic and Service Workers (CLADS) President Lucy Sermonia sa DFA officials, nakuha nila ang commitment ni USec. Montales na hindi na idadaan sa proseso ng online appointments ang mga bagong OFW na mayroon nang employer na POEA Accredited principal; at may endorsement ng FEDAMANEX at CLADS.

Lalagyan sila ng special OFW Lane sa Passport Offices sa buong bansa. Magdaragdag umano ang DFA ng machines and personnel sa regional offices at palalawakin ang Mobile Passporting Services (MPS).

Sa mga mapanganib na lugar a ibang panig ng mundo, ang DFA Consular team ay pupunta roon para sa renewal ng passports ng OFWs.

Wow!

Nakatutuwa naman talaga ‘yan. Malaking tulong para mabawasan ang mga Pinoy na walang trabaho. Pero sana, para maging lubos ang paglilingkod sa OFWs, bawasan din ng DFA ang singil sa kanilang passport na umaabot sa P1,200.

Lalo na ngayong hindi sila makapagbigay ng garantiya na kaya nilang i-release ang passport sa tamang panahon…

Ang pinakamabilis yatang pagre-release ngayon ng passports ay halos isang buwan?!

Kailan ba ulit babalik sa dating 3-day to 7-day express release ang Philippine passports at 14 days kapag regular release?

DFA Secretary Allan Peter Cayetano Sir, mukhang kailangan ninyong tutukan ang bagay na ‘yan.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *