Sunday , July 27 2025
PANGIL ni Tracy Cabrera

Mga taong mapag-imbot at makasarili . . .

One thing you can’t hide – is when you’re crippled inside.
— John Lennon

PASAKALYE:

Sa anim na dekadang pamumuhay sa mundong ibabaw, marami na rin tayong natutuhan — mga leksiyon sa buhay na dapat nating pagyamanin at isapuso upang maging maayos ang ating kabuhayan at pagkatao tungo sa huling hantungan bago humarap sa Lumikha.

Ngunit iilan din sa atin ang napagtanto kung ano talaga ang misteryo ng ating buhay at kung bakit tayo nilikha ng Diyos — simple man ito o hindi. Sa katunayan, marami sa atin ang naniniwalang tayo ay napaghaharian ng mga kaganapan sa ating paligid na siyang dahilan kung bakit madalas tayo ay nagkakamali sa ating mga desisyon. Wika nga ng isa nating kakilala, kung minsan daw ay ‘walang choice’ kaya kahit masama ay nagagawa.

Ang hindi lang alam ng karamihan ay napakasimple lang ng ating buhay — may masama at may mabuti, may mali at may tama.

Sabi ng Panginoon, “Bakit maliligalig sa kinabukasan? Tingnan n’yo ang mga ibon, wala silang isip at walang damit, hindi ba patuloy silang nabubuhay sa tulong ng Maykapal?”

HINDI na dapat pang pagdebatehan kung alin ang tama at maling ginawa o naganap sa pagkakasamsam ng mahigit 600 kilong shabu dahil sa kabila ng maigting na kampanya ng pamahalaan kontra droga ay nananatili pa rin itong problema sa ating bansa.

Ang mahalaga ay dapat nang mapatigil ang salot — at hindi ito magagawa ng ating gobyerno lang. Kailangan dito ang tulong ng bawat indibiduwal para tuluyang masugpo ang kalakalan ng ilegal na droga at ang paghahari ng narco-politics sa Filipinas.

Ngunit paano mangyayari ito kung marami sa lipunan ang hipokrito at ayaw aminin ang tunay nilang pagkatao? Sa katunayan, makikita ang mga taong-gobyernong sumumpang maglilingkod nang tapat sa bayan pero ang pinagsisilbihang tunay ay pansariling interes. Bukod diyan, ang ilan sa ating kapitbahay, sa halip isapuso ang mabuting pakikipagkapwa-tao ay panlalamang sa iba ang inuuna!

Hindi ba kahunghangan isipin na may pag-asa tayo kung ang nakikita natin sa ating paligid ay mga taong mapag-imbot at makasarili?

Sa ganang amin, sa nakita nating pag-uugali ng mga Pinoy, mas naniniwala tayong wala tayong karapatan na maging isang bansa dahil mas mabuti ang ating kalagayan kung tagasunod lang tayo!

Ang totoo’y hindi natin kayang mamuno sa ating sarili. Sa wastong pamumuno, mahalaga na marunong tayong tumanggap ng responsibilidad at hindi iyong itinuturo ang sisi sa iba.

Opinyon lang po…

***

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text sa cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 0939122568 para sa Smart. Salamat po!

PANGIL – Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desisyon ng Korte Suprema dapat manaig

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA TUWING may legal na isyu, ang daming nagsasalita. May mga …

Firing Line Robert Roque

May pinagtatakpan?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAY kakatwang nangyari nitong Linggo ng umaga: dalawa sa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Ang tagubilin ni FC Dir. Fernandez sa Bohol firefighters

AKSYON AGADni Almar Danguilan “IBALIK natin sa kanila ang magandang serbisyo!” Iyan ang tagubilin ni …

Sipat Mat Vicencio

Kung iuuwing bangkay si Digong… sibak si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio ‘BUTO’T BALAT’ na lamang ngayon ang pangangatawan ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” …

Aksyon Agad Almar Danguilan

PR, photo ops ni Romualdez bumabaha, para saan?

AKSYON AGADni Almar Danguilan PANSIN n’yo ba na halos araw-araw ay may mga lumalabas na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *