Saturday , November 23 2024

May pakiramdam ba si CAAP DG Capt. Jim Sydiongco!? (Attn: DOTr Sec. Tugade)

NAITANONG natin ‘yan, dahil napag-alaman natin na of all airports sa buong Filipinas, pinakamataas pala ang singilan ng terminal fee sa Kalibo International Airport (KIA).

Kung ang ibang airports daw ay naniningil ng P500 kada terminal fee, bukod tangi na ang Kalibo International Airport ay naniningil ng P700 terminal fee per person sa international!

Wattafak!?

Pero ang masaklap, sandamakmak na reklamo ang natatanggap natin tungkol sa poor services ng airport kahit ganoon kataas o kamahal ang kanilang terminal fee?!

Bukod daw sa napakasikip, dapat daw ay mag-sando at mag-shorts na lang kapag dadaan sa nasabing airport.

Kasi, daig pa raw ng nagbabagang pugon ang lumalabas na init sa mga bulok na airconditioning system nila!

Para ka na rin daw nag-sauna kapag pumasok ka sa KIA.

Hindi lang ‘yan!

Napakaraming foreigners ang natatapilok kapag naglalakad sa naturang airport dahil hindi maipagawa ang flooring na nakaangat na ang mga tiles at puro basag na!

King enuh!

Nakahihiya naman ‘yan?!

Ano na lang ang sasabihin ng mga turistang nagpupunta sa Boracay na P700 terminal fee?!

Sonabagan!!!

Hindi bababa sa 5,000 ang bilang ng banyagang turista ang dumarating araw-araw sa Kalibo airport dahil 24/7 ang operations nito.

Saan bulsa ‘este napupunta ang terminal fee!?

And to make matters worse, huwag ka na raw magtaka kung may makita kayong mga turistang naglulundagan dahil sa mga naghahabulang daga sa area na sinlalaki na ng mga pusa.

Yuckks!

Alaga kaya ng CAAP Kalibo terminal manager ‘yang mga dagang ‘yan?

Well, I doubt kung aware riyan si CAAP Manager. Balita kasi na bukod sa Iloilo International Airport ay siya rin pala ang CAAP manager ng KIA.

Sus, kaya naman pala! Moonlighting to the max pala si Sir!

Dapat siguro, minsan ay mamasyal si DOTr Secretary Arthur Tugade sa nasabing paliparan para makita naman niya ang nakaririmarim na pasilidad ng Kalibo International Airport!

Anyway, dedmakels pa rin ba si CAAP DG Capt. Jim Sydiongco sa mga panawagan sa kanya!?

O masyadong busy lang sa bidding-bidingan diyan sa CAAP?

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *