SA culinary arts, sinasabi ng mga eksperto na kasing halaga ng paghahanda o preparasyon ng pagkain ang presentasyon nito sa hapag-kainan.
Sa Japan, ito’y tungkol sa presentasyon sa paggawa ng tinatawag na ‘character lunch.’ Ang tawag dito ay Kyaraben, o ‘Charaben’ at ito’y labis pa sa simpleng paggawa sa pagkain na maging appetizing sa kakain nito.
Karamihan ng Kyaraben ay ginagawa ng mga ina, na nais mas maging appealing ang lunch, o pananghalian, ng kanilang mga supling para mas kaaya-aya sa paggawa nito na maging hawig ng paboritong cartoon character o superhero ng kanilang mga anak bilang nilalaman ng kanilang lunch box.
Idinidisenyo rin ang Kyaraben para sa mga family picnic at outing, at maaaring gumamit ng iba’t ibang tema, tulad ng pagsakay sa tren o kotse habang patungo sa kanilang destinasyon.
Nagbabalaik pa ang kasaysayan ng bento sa Japan may 900 taon na’ng nakalipas ngunit ang kauna-unahang mga kahon na ginawa para sa bento ay mula pa sa ika-16 na siglo. Naging popular ito simula noon, at libo-libo ang ibinebenta hanggang ngayon araw-araw sa mga train station at gayondin sa mismong tren.
Dangan nga lang ay hindi sila kasing artistic ng mga tunay na Kyaraben.
Mayroon din mga paligsahan para sa mga Kyaraben artist at tunay na imaginative ang mga lahok nila, bukod sa mahalagang aspekto na kailangang masarap at makakain. Nariyan ang Sanrio Kyaraben Contest at ang Yokahama Kyaraben Contest, na parehong napagwagihan ng isang indibiduwal.
Sa kasawiang palad, ang blog ng nanalo ay nakasulat sa Hapones kaya hindi matiyak kung tama ang pangalang aming babanggitin — Miho Chindonya.
ni Tracy Cabrera