Monday , December 23 2024

Pakiusap ni Direk Sigrid sa pagsabak sa mainstream: Ipanalangin n’yo po ako

ISA si Direk Sigrid Andrea Bernardo sa ini-launch ng IdeaFirst Company bilang talent nina direk Jun Robles Lana at Perci M. Intalan.

Nakilala ni direk Perci si Sigrid sa party ni direk Jun at nagkakuwentuhan at sa katagalan ay tinanong kung sino ang nagma-manage sa kanya.

Dating artista si direk Sigrid ni Lav Diaz sa 11 hours movie nito at sa 5th hr. siya makikita sa buong kabuuan ng pelikula.

At dahil sa traumatic ang karanasan ni Sigrid bilang artista ay hindi na siya umulit kaya nag-behind the camera na lang siya kay direk Lav at dito siya nahasa nang husto.

Ang ibang direktor na kasamang ini-launch ng IdeaFirst Company na sina Miko Livelo, Dominic Lim, Ivan Andrew Payawal, at Prime Cruz ay protégé naman ni direk Jun dahil lahat sila ay scholars ng scriptwriting class nito.

Hanggang ngayon ay nasa cloud 9 pa rin ang pakiramdam ni direk Sigrid dahil sa malaking kinita ng ikatlong indie movie niyang Kita Kita na produced ng Spring Films.

Kaya naman hiningan ng komento ang dalagang direktor kung anong masasabi niya na natalo na ng Kita Kita ang kinita ng Heneral Luna na may hawak ng box office record pagdating sa indie films.

“Hindi naman namin din naming ini-expect ‘yun (kumita ang ‘Kita Kita’). Siguro maski hindi ako ang nagdirehe ng ‘Kita Kita’ gusto ko pa ring suportahan and iba ‘yung loveteam at gusto ko sana na masuportahan ‘yung mga ganitong kuwento para may variation naman.

“Ang magandang nangyari siguro ngayon, ‘yung big production houses nagkakaroon na ng tiwala sa indie directors na baka may iba silang ideas tapos ‘pag pumasok sila sa mainstream, mas nabibigyan ng creative control,” mahabang sabi ni Sigrid.

Balik-tanong ulit kay direk Sigrid na paano na kapag gumawa siya sa mainstream ay baka maapektuhan na ang creative control niyang tinatawag dahil common knowledge naman na pinakikialaman ang mga script ng creatives ng ilang movie outfits.

“Well, ipaglaban n’yo po ako, ipanalangin n’yo po ako na sana maituloy ko po itong laban na ito, actually ‘yung ‘Kita Kita’ medyo test po ito sa akin from Spring Films, mayroon akong producer and I did not produce my own film (unlike ‘Ang Huling Cha Cha ni Anita’). And na-realize ko at the end of the day, kahit na anong cut pa ‘yan, director’s cut, commercial cut, hindi makikita ‘yung pangalan ng iba, eh, ang makikita, pangalan ko pa rin.

“Ang tagal na nating nagkikita simula ‘Cha Cha’, ngayon pa ba gi-give-up? Kaya as much as possible, gagawin ko talaga ‘yung best ko na ipaglaban ‘yung gusto ko kasi kung hindi, okay lang akong kumain ng tuyo. Kaya maganda rin ang naidulot ng P300-M na maski wala sa bulsa ko, ej, may tiwala naman sa akin or maski sa ibang indie directors na papasok na rin sa mainstream,” nakangiting sagot ng direktora.

I HATE
WRITING

Nang makausap namin mag-isa si direk Sigrid ay inamin nitong gusto niyang may ibang magsulat sa mga susunod niyang pelikula dahil nakakapagod din.

“Sa totoo lang gusto ko may ibang sumulat talaga, kaso wala akong katono sumulat, kung mayroon lang, please (mag-apply na ), sa totoo lang, I hate writing, ayoko talagang nagsusulat,” sambit ng direktor sa amin.

Binanggit namin ang pangalan ni Jason Paul Laxamana na nagsulat at nagdirehe ng 100 Tula Para Kay Stella na kasalukuyang number one ngayon sa Pista ng Pelikulang Pilipino at ng Love Is Blind na kumita rin nang husto na produced naman ng Regal Entertainment.

“Hindi ko pa napapanood ‘yung ‘100 Tula’, panonoorin ko pa lang. Willing ako to collaborate, iba pa rin kasi kung ka-tono mo. Pero ang hinihiling ko pa rin, gusto ko, ako pa rin ang may final say dapat kahit iba ang magsulat, sana ako pa rin,” kaswal nitong sagot sa amin.

FIRST MAINSTREAM,
UUMPISAHAN NA

Malapit ng umpisahan ni direk Sigrid ang unang mainstream movie niya mula sa Viva Films na Mr. and Mrs. Cruz na siya mismo ang sumulat na collaboration with Omar Sortijas (supervising producer ng IdeaFirst Company) at sina Ryza Cenon at JC Santos ang bida na kukunan sa isang magandang resort sa Pilipinas.

Samantala, hindi naman itinanggi ng direktora na talagang pressure sa kanya ngayon ang susunod niyang project dahil kailangang kumita rin ng P300-M o higit pa tulad ng Kita Kita na nasa P320-M at balitang ibabalik ulit ito sa mga sinehan pagkatapos ng Pista ng Pelikulang Pilipino.

“Pero kung iisipin ko ‘yun, mako-compromise ‘yung gusto ko, kung iisipin ko na kailangang kumita, ano ‘yung ginawa ko sa ‘Kita Kita’ na dapat gawin ko rin sa susunod? So ang mangyayari, magiging pare-pareho ang gagawin ko,” pangangatwiran nito.

Masayang ikinuwento ni Sigrid na sobrang overwhelmed siya noong mapanood niya ang Kita Kita sa Trinoma sa opening day dahil puno at kung may bakante man ay iilan lang.

“Nasa gitna ako naiyak talaga ako kasi pumalakpak pa ang mga tao after, sabi ko nga, ‘oh my God’ kaya sabi ko ang saya-saya ko, tapos nagtawagan kami ni Alex (Alessandra de Rossi), sabi ko ang daming nanood, naka-P2-M kaya sabi ko kay Alex, ‘blockbuster ito’, sabi niya sa akin, ‘gaga barya lang ‘yun.’ Kasi naman hindi naman ako sanay ‘di ba, ‘yung ‘Cha Cha ni Anita’, magkano lang, so akala ko malaki na ‘yung P2-M, maliit pala ‘yun.

“Tapos 2nd day tinawagan na ako ni tita Jun (Rufino), sabi niya, ‘Sig hindi pa tayo blockbuster, pero number one tayo sa takilya ng mga nag-open and then it doubled na,’ sa 3rd day sabi ko, feeling ko hindi kami mapu-pull out. Kasi di ba ‘pag indie film, first day, last day? Tapos on the 3rd day, kumikita kami, ang daming tao, noong Saturday and Sunday doon na ako napa, syet, P25-M in one day, that’s big enough. Tapos naging P200-M, naging P300-M na, going P350-M na, kaya so overwhelming,” pagkukuwento pa ng indie director.

AWARD O KITA
NG PELIKULA

Naibigay na ang bonus niya ng Spring Films kaya may pambayad na siya ng bills niya na parating sinasabi ni direk Sigrid na mas kailangan niya ng pera kaysa award.

“Mas natutuwa po talaga ako kung maraming nanonood ng pelikula kasi ‘yung awards naman hindi ko (magagastos), depende kung may cash prize okay, pero kung wala naman, ano ba ‘yun, pang paper weight. Hindi ko naman magagamit sa totoong buhay, kung may cash prize, excited talaga ako.

“Ang importante po kasi sa akin kapag gumawa ka ng pelikula sana maipalabas ko sa iba at mas maraming makapanood kasi kaya nga ako nagkukuwento (nagsusulat ng script) kasi gusto ko may iba akong mapagkuwentuhan kaysa sarili ko lang ang kakuwentuhan ko, ‘di ba? Kaya natutuwa ako na mas maraming tao ngayon na willing panoorin ang iba namang mga pelikula.

“Nagugulat din ako sa moviegoers ngayon na maraming nanonood ng indie films ng iba’t ibang kuwento. I think mas excited ako ngayon na ang Philippine Cinema ngayon, eh, buhay na buhay na,” pahayag ng direktora.

BEA, LIZA AT DANIEL,
GUSTONG IDIREHE

At kung mabibigyan siya ng pagkakataong pumili ng gusto niyang makatrabaho ay gusto niya sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

“Gusto ko rin si Daniel Padilla at Liza (Soberano), nagagalingan ako at sana magsama sa movie,” sambit pa ni Sigrid.

Parang imposible naman na magsama sina Daniel at Liza dahil may sarili silang love team at baka ma-bash siya ng fans kapag hindi ‘yung original loveteam nila ang kasama nila tulad nina Kathryn Bernardo at Enrique Gil.

“Dito kasi sa Pilipinas ‘no, kailangan loveteam talaga, sa ibang bansa it’s really the acting, hindi ‘yung loveteam. Kung talagang mahal nila (fans) ang artista, sana mag-grow as an actor,” paliwanag nito.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *