ITO ang tunay na aksiyon, hindi sa pelikula kundi sa tunay na buhay.
Kung hindi nga lang sa transparency policy ng gobyernong Duterte, ayaw sana ng aktor na si Robin Padilla na mailabas pa sa media ang kanyang donasyon na P5 milyon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tinanggap ni Undersecretary Emmanuel Leyco para sa mga batang labis nang apektado ng giyera o krisis sa Marawi.
Nauna nang napaulat na maraming bakwit sa Marawi ang kumalambre na ang pag-iisip dahil sa giyerang isinulong ng pamahalaan para tuluyang maigupo ang teroristang grupo ng Maute/ISIS group.
Ayon sa Palasyo, ang donasyon ni Binoe ay ilalaan sa mabilis na psychosocial intervention para sa mga kabataang todong apektado ng armadong labanan sa Marawi.
Kung ang ilang ahensiya ng pamahalaan ay nagkibit-balikat sa ulat na maraming bakwit ang tila ‘nasiraan ng bait’ para kay Binoe mahalagang agad pagtuunan ng pansin ang usaping ito para hanggang maaga ay mailigtas ang mga bata at mga kabataang apektado.
Hats off to Mr. Robin Padilla!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com