Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Actor Robin Padilla nagkaloob ng P5-M para sa mga batang apektado ng giyera


ITO ang tunay na aksiyon, hindi sa pelikula kundi sa tunay na buhay.

Kung hindi nga lang sa transparency policy ng gobyernong Duterte, ayaw sana ng aktor na si Robin Padilla na mailabas pa sa media ang kanyang donasyon na P5 milyon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tinanggap ni Undersecretary Emmanuel Leyco para sa mga batang labis nang apektado ng giyera o krisis sa Marawi.

Nauna nang napaulat na maraming bakwit sa Marawi ang kumalambre na ang pag-iisip dahil sa giyerang isinulong ng pamahalaan para tuluyang maigupo ang teroristang grupo ng Maute/ISIS group.

Ayon sa Palasyo, ang donasyon ni Binoe ay ilalaan sa mabilis na psychosocial intervention para sa mga kabataang todong apektado ng armadong labanan sa Marawi.

Kung ang ilang ahensiya ng pamahalaan ay nagkibit-balikat sa ulat na maraming bakwit ang tila ‘nasiraan ng bait’ para kay Binoe mahalagang agad pagtuunan ng pansin ang usaping ito para hanggang maaga ay mailigtas ang mga bata at mga kabataang apektado.

Hats off to Mr. Robin Padilla!

ACTOR VICTOR NERI
INSTANT IMMIGRATION
OFFICER SA BI

MULING nagawi sa airport ang iyong lingkod.

Siyempre kapag nasa airport, familiar faces are often seen, especially people from entertainment industry.

Most of these people are travelling on their free time so it’s not a big deal anymore if we see them in places like airport.

This time, isang mukha na masyadong pamilyar ang ating naispatan. Madalas natin siyang nakikita sa action movies at teleserye.

At napagtanto natin na iyon pala ang actor na si Victor Neri. Nakasuot siya ng itim na uniporme gaya sa isang immigration officer (IO).

Inisip natin noong una na may shooting siguro. Kitang-kita rin natin na maraming female IO ang parang na-starstruck kay Victor Neri.

Parang gustong sabihin na Huwaw! Autograph naman!

Pero mali ang ating akala na may nagaganap na shooting ng pelikula sa immigration area.

Nandoon si Victor Neri, because he belongs… Yes, si Victor Neri ay isa nang Immigration Officer as in IO.

IO agad-agad!?

Ang tanong, ano kaya ang dahilan at tila naengganyo ang nasabing character actor na subukan ang career sa BI?

Nagtataka lang naman tayo…

Kung ‘yung iba nga ay dagliang umalis sa Bureau dahil nawala ang overtime pay, heto naman at isang artista na puwedeng kumita nang limpak-limpak sa pag-arte ay ipagpapalit ang career bilang isang pangkaraniwang empleyado sa BI?

Ano bang meron sa BI at ang mga artista ay naaakit dito? Sino kaya ang kanyang padrino?

Actually marami na rin namang celebrity ang naging empleyado mula pa noon at naakit na pumasok sa BI gaya nina Manny Paner, Lander Vera-Perez, at ang pinakasikat sa kanila na si Manjo ‘Tootsie’ Del Mundo na hanggang ngayon ay nasa BI pa rin.

I just hope na hindi nagkamali si Victor Neri sa pagpili ng kanyang bagong karera.

ILANG PINOY
TRAVELERS LIKAS
NA MATITIGAS
ANG ULO?!

SINCE ‘laglag-bala’ modus operandi is a thing of the past at the Manila International Airport Authority [MIAA], the PNP-Aviation Security Group [AVSEGROUP] assures the public that they will no longer worry missing their flight or get arrested at our airport for possession of ammunition/s.

Pero sa kabila nito ay patuloy pa rin ang pagwawalang-bahala ng ating mga kababayan sa babalang mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng bala ng kahit na anong uri ng baril, maging ito man ay ginagamit na ‘anting-anting.’

Sa nakaraang linggo, may tinatayang walong pasahero ang nahulihan ng bala sa kanilang bagahe at wallet. Bagama’t pinahintulutan pa rin silang makasakay ng kanilang eroplano dahil nakatakda na ang flights, pansamantala silang pinigil para sa documentation.

July 2016 when MIAA and AVSEGROUP announced that the bullet-planting scheme at the Ninoy Aquino International Airport [NAIA] terminals is now a thing of the past.

No less than President Rodrigo “Digong” Duterte prohibited authorities from arresting passengers for bullets in their luggage.

Marahil dahil sa kautusan ng ating pangulo ay naging kampante na ang ilang departing passengers, maging ang well-wishers na nagtutungo sa airport kahit may live bullets or blank bullets na ginagamit nilang amulet at kanilang bitbit.

Ang hindi alam ng ating mga kababayan, sakaling sa ibang bansa sila naharang at nakitaan ng bala sa kanilang mga bagahe ay siguradong kulong o multa sila.

Set natin as example ang Hong Kong. Sa kanilang batas na Section 13 of Cap 238 [Firearms and Ammunition Ordinance], Laws of Hong Kong, NO person shall have in his possession any arms or ammunition unless he/she holds a license for possession of such arms or ammunition or a dealer’s license for such items.

Tinatayang nasa HK$500,000 ang minimum na penalty at posible pa itong tumaas, bukod pa riyan ang ilang taon pagkakakulong kapag nahuli sa Hong Kong ang sinomang departing Filipino passengers na patungo sa former British Crown Colony.

Mabigat! But, it’s a fact!

Dapat ang moral lesson sa mga bumibiyahe nating mga kababayan na patungo saan mang panig ng mundo, rekisahin o suriing mabuti ang kanilang bagahe para na rin sa kanilang kapakanan at proteksiyon.

Huwag maging pasaway!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *