SINUSUPORTAHAN natin ang kampanya ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte laban sa ilegal na droga.
Pero mukhang hindi maayos ang implementasyon nito pagdating sa pulisya.
Pansinin natin… pagkatapos sumampol ng isang sinsabing bigtime gaya ng pamilya Parojinog, tumira ng maliliit gaya sa Bulacan na umabot sa 32 drug suspects ang naitumba ng pulisya.
Pinuri ni Pangulong Digong ang Bulacan, kaya hayun, nagpasikat din ang Maynila. Sa loob ng 24-oras ay tumira ‘este nagtumba naman ng 25 drug suspects.
Sa totoo lang, sumasakit na nga ang ulo ng mga deskman namin dahil ang laging nakalagay sa istorya ng mga reporter ay pumalag at nanlaban, unang pinaputukan ang mga pulis kaya pinutukan na rin, kaya hayun tumimbuwang?!
Wattafak!?
Pero anong gagawin ng desk, e official report ng pulis ‘yun? At kahit interbyuhin ang mga pulis na kasama sa operasyon, ganoon pa rin ang sasabihin nila.
Maliban kung magkakaroon ng ebidensiya gaya ng CCTV camera na nangyari nga sa Caloocan City at ang naging biktima ang 17-anyos na si Kian Lloyd delos Santos.
Simple logic: kapag ang isang tao ay kriminal at may nais itago, hahangarin ba niyang masubo sa pakikipagsagupa sa mga pulis?
Siyempre hindi.
Ang una niyang gagawin umiwas. Puwedeng masukol siya pero hindi niya hahangaring mamatay kaya susuko na lang siya.
‘Yan ay kung normal ang pag-iisip ng mga nagrerekoridang pulis.
Hindi gaya ng mga pulis na ‘pumatay’ kay Gian Lloyd.
Sabihin na nating mayroon talagang mga nanlalaban, pero ‘yung barilin sa paa para i-neutralize, hindi pa ba sapat ‘yun?!
Sabi nga ng isang pulis na nakausap ng inyong lingkod, sa kanilang area napaka-minimal ng mga natotokhang kasi nga pinipilit nilang maaresto nang buhay ang drug suspects.
At kapag nahuli, siyempre madedetine pero mayroong programa ang local government unit (LGU) para alalayan sila sa kanilang unti-unting pagbabago.
Matrabaho at mahabang proseso pero isang sistema na nagpapakita ng pagpapahalaga sa buhay.
MASAYANG nagkukuwentohan sina Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, ilang opisyal at ang bilyonaryong Chinese na si Huang Rulun, bago ang opisyal na pasinaya ng Mega Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center (DATRC) sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija. (JACK BURGOS)
Sabi nga, laging mahirap manimbang sa tama at mali.
Pero laging may pag-asa sa tama.
Ang ikalawang kuwestiyon sa implementasyon ng PNP sa maigting na kampanya ng Pangulo kontra ilegal na droga, bakit maliliit ang laging napapatay? Maliliit ang laging nahuhuli?
Pawang pichi-pichi ang nahuhuli?! Kumbaga panghimagas lang, walang big fish!
Hindi ba kaya ng PNP na manghuli ng bigtime pusher o drug lords? Natatakot ba silang magaya sa Bureau of Customs (BoC) na nakasabat na ng P6.4 bilyong shabu e sila pa ngayon ang nagigisa sa Kongreso?!
Tsk tsk tsk…
Gen. Bato dela Rosa, Sir, baka sa sistemang ‘nanlaban, nanlaban’ pa masira ang maigting na kampanya ni Tatay Digs laban sa ilegal na droga kung hindi aayusin ang implementasyon nito?!
Huwag ninyong kalimutan na epektibo pa rin ang “Save the user, jail the pusher!”
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com