Saturday , November 23 2024

Opisyal, empleyado ng nat’l, local gov’t dapat daw mag-commute isang beses kada buwan (Bill ni Aangat Tayo Rep. Neil Abayon)

DAPAT sigurong budburan ng lebadura ang utak nitong si Aangat Tayo Rep. Neil Abayon para naman umalsa o umangat at makapag-isip nang tama.

Hindi natin alam kung may mag-a-adopt na iba pang mambabatas sa panukala ni Abayon.

Ang kanyang panukala, dapat daw sumakay sa mga pampasaherong sasakyan ang mga opisyal at empleyado ng national at local government tuwing weekdays at rush hours isang beses kada buwan.

Pero sa nasabing bill, walang kaparusahan kung lumabag man ang mga opisyal o empleyado ng gobyerno.

Ang paliwanag lang niya, ang serbisyo publiko umano ay kailangang may simpatiya at malasakit sa mga taong kanilang pinasisilbihan.

Heto pa ang hirit niya, “Public service improves when it is rendered with empathy and compassion. Public service requires living modestly and does not mean entitlement to perks such as business-class and first-class accommodations with airlines.”

Ang sarap pakinggan niyan Congressman Abayon. Pero alam naman nating retorika lang ‘yan.

Bakit naman isang beses kada buwan lang?!

Bakit hindi na lang sabihin na habang nasa serbisyo publiko sila!?

Sa totoo lang, alam din ni Congressman Abayon na imposible ito. Kung magkatotoo man, maliwanag na pambobola sa sambayanan.

At wala rin silbi kasi labagin man ng government official, wala namang kaparusahan.

At sinong mayor, senador, o mga mambabatas ang sasakay sa mga pampublikong sasakyan gaya ng MRT-LRT o Jeep kapag rush hour?!

Sandamakmak ang bodyguards ng mga ‘yan na isasakay, baka sa kanila lang mapuno na ‘yung jeepney.

Kung gawin man nila ‘yan, baka once in a lifetime lang, hindi once a month.

Isang malaking kalokohan!

Napaka-ignorante ba ni Abayon, para hindi niya mapagtanto kung magkano ang gagastusin sa pagpapasa o deliberasyon ng isang batas?

Halos kulang dalawang milyong piso tapos wala namang ibang layunin kundi pagkomyutin ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno, isang beses kada buwan?

Gigimik lang itong si Abayon ‘e gusto pang paikutin ang buong Kongreso.

E klarong-klaro, publicity gimmick lang ang layunin nito…

Nanalo ka naman, pinansin ka ng media.

Pero sabi nga ng transport groups, ang kailangan ng ating bansa ay maayos na transport program hindi gimik.

Uulitin ko, budbudran mo ng lebadura ang utak mo, Aangat Tayo Rep. Abayon, para umalsa naman nang konti.

Ay sus!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *