Thursday , December 26 2024
h4_huwebes

Barangay ni Ligaya buwagin

MAINIT na mainit mga ‘igan ang usaping pang-transportasyon sa pagitan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at ng Uber, matapos suspendihin ng LTFRB ang operasyon ng Uber. Ayon sa LTFRB, nilabag ng Uber ang kautusan ng ahensiya na nagbabawal, pansamantala, sa pagtanggap ng mga bagong application ng mga sasakyan.

Sa isinumiteng “Motion for Reconsideration” ng Uber, ibinasura ito ng LTFRB, kasabay ang pagpapataw ng malaking multa at ang pagpapa-impound ng kanilang sasakyan sa loob ng tatlong (3) buwan kung magtutuloy-tuloy ang pagsuway sa mga patakaran ng LTFRB. Payo ng LTFRB sa Uber… “huwag silang subukan…” Hala ‘igan! Dagdag nito’y…”Do not push government too much, do not challenge us too much. After fine, after suspension, what next is there for us to choose?”

E, paano na kaya mga ‘igan ang usaping “illegal terminal” d’yan sa Plaza Lawton, na lumilikha ng malaking prehuwisyo sa tao, tulad ng sala-salabat na trapik sa Plaza Lawton, at malaking kapakinabangan sa mga tarantadong sangkot sa ‘kotongan-blues’ sa Lawton na tuloy-tuloy ang pagyaman?

Aba’y, sino bang dapat na kalampagin upang mapa-impound na rin ang mga tao ‘este sasak-yang ilegal na nakaparada partikular sa Plaza Lawton? Ang Philippine National Police (PNP) ba? Ang Manila Parking Traffic Bureau (MPTB) ba? Ang MMDA ba? O ang opisyal ng barangay, sa pangunguna ng punong barangay na nakasasakop?

Mantakin n’yo mga ‘igan, ang ilalim ng P. Burgos Interchange sa Plaza Lawton, na naroon ang PCP Precinct #4 ay ginawang terminal ng Kersteen Bus at ng Don Aldrin Bus na biyaheng Cavite at Batangas!

Sus, magkano? Aba’y pera-pera na lang ba ang labanan dito? Ang matindi pa mga ‘igan, bantay sarado ang mga bus ng mga tinamaan ng lintek na MPTB, ng barangay ulupong este pulis ng barangay at ng tiwaling lingkod bayan!

Sus ginoo!

Sa totoo lang mga ‘igan, kinakailangan nang buwagin ang barangay na sumasakop sa Plaza Lawton, na pinamumunuan ni Barangay Chairman Ligaya Santos. Bakit ‘ikan’yo? Sus, walang silbi partikular sa mga mamamayan! At higit sa lahat, wala umanong mga residente sa nasabing barangay! Paano ito naging barangay?

Sayang ang pondong nakalaan dito ng lokal na pamahalaan.

Pati ang flood control ng Manila Engineering Department sa Plaza Lawton, sus, ginawa na rin terminal at tambakan ng basura ang harapan ng monumento ni Andres Bonifacio.

Sumbong ng aking pipit-na-malupit, may tong-its na nagaganap sa hanay ng engineers araw-araw.

He he he…huwag pahuhuli…

Kung kaya’t, mungkahi ng aking “pipit-na-malupit, “bakit hindi ibigay ang pangangasiwa ng mga Plaza, partikular ang Plaza Lawton sa Department of Tourism, upang lubos itong mapanga-lagaan at mabigyan ng sapat na pagpapahalaga? Paging Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada, Sir, hiling po ng sambayanang Manilenyo na ma-ging malinis ang Lawton na kinaroroonan ng mo-numento ni Gat. Andres Bonifacio, upang maging maayos ito, maaliwalas sa paningin ng tao at ligtas sa masasamang elemento ng lipunan.

Paging Lawton PCP commander S/Insp. Randy Pasta Veran, sir, pasyal-pasyal po ‘pag may time ang labas ng opisina ninyo, nang masaksihan ang sangkaterbang iba’t ibang uri ng sasakyang nakaparada mismo sa harap ng presinto ninyo!

Ano’t pinapayagan ang ilegalidad na ito? Sir, nawa’y makatulong kayong masugpo ang lumalalang illegal terminal sa inyong nasasakupan, kasabay na matuldukan ang katarantadohang nagaganap d’yan sa Plaza Lawton na sangkot umano ang ilang tiwaling alipores ninyo.

Bigyang-pansin ang mga tiwaling pulis ‘este lingkod bayan nang hindi na pamarisan…

E-mail Add: [email protected]

Mobile Number: 09055159740

BATO-BATO BALANI – ni Johnny Balani

About Johnny Balani

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *