Saturday , November 23 2024

Pinatalsik na barangay chairman na si Jeremy Marquez itinalaga sa HUDCC!?

ABA, e muntik nang mapaso ng mainit na kape ang inyong lingkod nang mabasa natin na itinalaga bilang deputy secretary general ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) ang anak ng aktor na si Joey Marquez na si Jeremy Marquez

Napakasuwerte namang bata talaga.

Katunayan, 10 Agosto 2017 pa nilagdaan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang kanyang appointment.

Dating barangay captain ng BF Homes sa Parañaque City sa loob ng tatlong termino si Jeremy ngunit pinatalsik bilang Liga president dahil hindi sumunod sa napagkaisahan nilang kasunduan ng kanyang mga kasamahang opis-yal.

Kaya nawala siya sa Konseho ng lungsod.

Noong 2016 elections, tumakbo si Jeremy bilang vice mayor sa ilalim ng Nacionalista Party at sinuportahan ang kandidatura ni Duterte.

Pero natalo siya sa kandidato ng Liberal Party na si Jose Enrico Golez.

‘Yan lang ang puna natin sa administrasyong ito.

Wala na ba silang makuhang ibang tao maliban sa mga pinatalsik sa puwesto at kandidatong talo?!

Wala na po bang iba?!

Iba naman po!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *