Sunday , December 22 2024

Masakit na biro

ANG edukasyon ay napakahalaga sa ating mga Filipino kaya hindi kataka-taka na isinasanla ng mahihirap na magulang ang lahat, kasama na si Kalakian, upang matustusan ang pag-aaral ng kanilang mga anak, lalo na ang mga papakolehiyo.

Pero ang katotohanang ito ay halatang hindi binibigyang pansin ng mayayamang mambabatas at ultimo pangulo natin dahil kung gayon ay hindi sana naging batas ang Republic Act 10931 (Universal Access to Quality Tertiary Education Act) na mas kilala ng taong’bayan sa katawagan na Free Tuition Law.

Bakit ‘ika ninyo? E kasi wala palang budget para tustusan ang nasabing batas. Tinatayang aabutin ng P100 bilyong piso taon-taon ang kakailanganin para maipatupad ang batas na ito sa 112 state universities and colleges pero P18 bil-yon lamang ang alokasyon ng kongreso para rito.

Saan hahanapin ‘yung P82 bilyong piso para maipatupad ang batas?

Nang tanungin si Pangulong Rodrigo Duterte kung saan kukunin ang budget para hindi maging drawing lamang ang batas, ang tanging naisagot niya habang pangiti-ngiti ay “Yan nga ang problema ngayon. Gusto kong tanungin sa inyo. Magkonsulta pa ako. Ewan ko.”

“Tingnan natin kung saan. Kasi ‘yung pag-approve ng Congress… Alam man nila walang pera,” idinagdag pa niya.

Patay tayo riyan mga kababayan.

Kundi ba naman iresponsable ang kongreso at si Duterte sa puntong ito, dahil lamang sa kagustuhan na makaani ng pogi points mula sa taongbayan, ay nagpasa ng batas na walang budget.

Inuulit ng Usaping Bayan na wala palang budget pero ipinasa pa rin ang panukala para maging batas. Alam naman pala na walang pera para sa RA 10931, dahil nasabi na ito ng kanyang sariling budget secretary, pero sige at pinirmahan pa rin ni Duterte ang panukalang batas para maging ganap na RA.

Ang tanging kagandahan nito, kung sakaling may pera na sa hinaharap para sa libreng tuition ng bayan ay may kaukulang batas nang naka-handa.

Sana nga ay totoo ang sinabi ng Commission on Higher Education o CHED na over estimation lang daw ang P100 bilyon at tanging P16 bilyon lamang ang talagang kailangan para maipatupad ang RA 10931.

Hindi alam ng Usaping Bayan kung saan kinuha ng CHED ang maliit na halagang sinasabi nila kompara sa tantiya ng mga eksperto pero sana ay magdilang anghel ang nasabing ahensiya.

Masakit isipin na baka paasahin lamang ng RA 10931 ang mga nangangailangan ng ganitong tulong. Masakit na biro ito… sayang kung masasama lamang ang batas na ito sa hanay ng magagandang batas na hindi naipatutupad ng pamahalaan.

***

Kalmado ang mga Filipino sa Guam kahit kabi-kabila ang ugong na maaaring magdigmaan ang mga Amerikano at taga-North Korea at maging target ng armas nukleyar ang isla na mas kilala sa pangalang Isla Ladrones na pinamamahalaan mula sa Maynila noong panahon ng mga Kastila. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com

Sana ay makaugalian ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang mga segments nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.

***

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.

USAPING BAYAN – ni Rev. Nelson Flores, Ll.B., MSCK

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *