Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julia, kaagaw sina Yassi at Yam kay Coco

PALAISIPAN sa IG followers ni Julia Montes kung para kanino ang ipinost niyang, ”I was quiet, but I was not blind – Jane Austen.”

Para ba ito kay Coco Martin na nali-link kay Yassi Pressman? Dahil sa nakaraang 100 weeks Celebration ng FPJ’s Ang Probinsyano ay napapangiti ang aktor kapag nababanggit ang pangalan ng leading lady niya.

Pero hindi lang pala si Yassi ang involved dito, nabanggit din ang pangalan ni Yam Concepcion na madalas kaeksena ngayon ni Coco sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Kasama na kasi si Cardo (Coco) sa mga taong bundok na tinawag na taga-Pulang Araw at binansagan siyang Agila.

Kaya naman tinanong namin mismo si Yam kung close na sila ni Coco.

“Nagiging close dahil siya na lagi kaeksena ko. Sarap niya ka-work!! Galing!,”sagot ng dalaga nang maka-chat namin.

Sino sa kanila ni Yassi ang mas close kay Cardo?

“Hindi ko alam (hindi kaeksena si Yassi) basta kami-kami nag-uusap lahat,” sabi ulit ni Yam.

Aminado si Yam na enjoy siya sa taping ng Ang Probinsyano dahil araw-araw ang taping, ”Halos everyday na rin, 4 to 5times a week. Sarap! Tiba-tiba he heh,” saad ng dalaga.

Nabanggit pa ng dalaga na ang pagkakaalam niya ay dalawang buwan lang siya saFPJAP.

“Dapat two months lang ako guest June and July pero ang saya dahil mukhang extended ako till Sept. Depende siguro ‘yan sa reception ng tao. Bahala na, basta happy ako may trabaho,” kuwento ng aktres.

Dagdag pa, ”actually, ‘yung tandem ko with Coco, wala pa nga ‘yun. Usap lang ‘yun parang nag-fi-fish si Cardo tungkol sa Pulang-Araw. Nagulat na lang kami ang rami nagsabi parang puwede (love team), na may chemistry. Nangungusap mga mata namin, ha, ha, ha. Sabi nga niya (Coco) sa presscon (100 weeks’ celebration) matagal na niya ko gusto makatrabaho, same for me. Isang karangalan na makatrabaho ang isang Coco Martin.”

Oo nga, bagay na mag-loveteam din sina Yam at Coco kaya may bagong love-triangle sa Coco-Yassi partnership.

Pero sa pagkakaalam namin ay malabo sa tunay na buhay sina Yam at Coco dahil taken na ang dalaga at engaged na nga yata.

Pero kaagad na klinaro ni Yam, ”hindi pa engage, matagal pa, work muna, ipon muna.”

Ang boyfriend ni Yam ay sa Amerika naka-base, si Miguel CuUnjieng na kung hindi kami nagkakamali ay college friend niya.

Pero may kasabihan nga, hindi pa naman kasal kaya puwedeng masungkit, ‘di ba Ateng Maricris? Hindi lang mga pulis ang matulis, mga sundalo rin, eh, ‘di ba sundalo ang karakter ni Cardo, ha, ha, ha.

Anyway, bukod sa serye ay may pelikulang ginagawa si Yam mula sa Viva Filmsang Amnesia Love kasama niya si Paolo Ballesteros at si Albert Langitan ang direktor.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …