Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maynilad spends P130M for Parañaque pipe replacement West Zone concessionaire Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) is spending some P130 million to replace 18 kilometers of old, leaking pipes along West Service Road, from SM Bicutan to Sucat Road, in Parañaque City.Once completed by the end of June, the pipe replacement project will increase water pressure from the current 10 pounds per square inch (psi) to 16 psi.

7 anyos bata nahulog sa manhole nalunod

NATAGPUAN sa ilog sa Valenzuela City kamakalawa ng hapon, ang wala nang buhay 7-anyos batang lalaking na napaulat na nawawala makaraan mahulog sa bukas na manhole habang naliligo at naglalaro sa ulan sa Caloocan City nitong Linggo.

Ang biktimang si Ryan Benedict Morata, residente sa 149 Atis St., Brgy. 142, Zone 13, Bagong Barrio, Caloocan City, ay natagpuang palutang-lutang sa Tullahan River sa Brgy. Marulas, Valenzuela dakong 4:00 pm.

Ang biktima ay positibong kinilala ng kanyang ama na si Rommel, Sr.

Ayon kina Valenzuela Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD) SPO1 Richell Siñel at PO1 Mary Ann Ayco, ang biktima ay napaulat na nawawala simula noong Linggo makaraan magpaalam sa ama na maglalaro at maliligo sa ulan kasama ang kanyang kuya na si Rommel, Jr., sa labas ng kanilang bahay dakong 6:00 pm.

Habang naglalaro, nahulog ang biktima sa nakabukas na manhole at tinangay ng malakas na agos ng tubig.

Mabilis na nagsagawa ng search at rescue operation ang mga awtoridad, katuwang ang mga tauhan ng Malabon Rescue Unit, ngunit bigo silang matagpuan ang biktima hanggang makita ang bangkay ng bata sa Tullahan river.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …