Saturday , November 23 2024

PNA balasahin, ‘kaburaraan’ arestohin at walisin

MABAIT pa rin si Presidential Communications and Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar.

Ilang beses na bang sumalto ang mga ‘iresponsableng’ staff o editor sa Philippine News Agency (PNA) mula nang maupo ang Duterte administration?

At hindi simpleng salto.

Sabi nga ng isang prominenteng dilawan, may sumasabotahe sa ‘communications group’ ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Una, nag-upload ng photo patungkol sa giyera sa Marawi pero ang retrato palang iyon ay noong Vietnam war pa. Ikalawa, isang fake news na ginamit ng PNA tungkol sa extrajudicial killings. Ikatlo, nag-post ng artikulo mula sa Xinhua News Agency na kritikal sa Permanent Court of Arbitration ruling.

At ang huling salto ng PNA, dahil sa kaburaraan ng sabi nga ni Secretary Andanar ay mga gunggong, ‘yung news tungkol sa Department of Labor and Employment (DOLE) pero ang inilagay na logo ay Dole pineapple company.

Sonabagan!

Gunggong nga pala talaga kung hindi man kaburaraan talaga.

Hanggang kahapon, patuloy ang imbestigasyon na ginagawa ng tanggapan ni Andanar dahil sa paulit-ulit na kapalpakan ng PNA.

Ang PNA kung hindi tayo nagkakamali ay nasa ilalim ng News Information Bureau (NIB) na pinamumunuan ni Director Virginia Arcilla-Agtay. Habang ang PNA ay pinapatnugutan ni Acting Executive Editor Louie Morente.

Batid nating ang editorial task ay isang collective effort, pero lagi nang mayroong command responsibility.

Kaya naman, sa ganang atin, tumpak lang na balasahin ni Andanar ang PNA at panagutin ang mga ‘burara’ sa kanilang tungkulin.

Apat na beses na ‘yan!

Gusto ba nilang kung magkakaroon ng panglimang ‘salto’ ay ulo na ni Andanar ang gumulong?! Sa isang banda, kailangan sigurong ‘magpagpag’ si Secretary Andanar dahil dumadalas ang ‘alat’ sa kanyang karera.

PCOO chief, Secretary Martin, lumayo-layo ka muna sa maaalat na pirming nasa tabi mo.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *