UMABOT na sa P51 ang halaga ng isang dolyar (US$1).
Ayon sa mga ulat, ito ang pinakamababa sa loob ng 11 taon, sa panahon na mayroong ‘bidahan’ ang Estados Unidos at North Korea (NoKor) ng kanilang mga armas pandigma.
Pirmi raw ang sukat ng NoKor kung hanggang saan ang kayang abutin ng kanilang missile.
Sabi ng NoKor, wala pa namang nuclear head ‘yung missiles kaya walang dapat ipag-alala ang buong mundo.
Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Nestor Espenilla, Jr., sinisikap nilang gawin na ang galaw ng ating lokal na pananalapi ay nakaayon sa economic fundamentals ng bansa.
Ani Espenilla, patuloy nilang minamatyagan ang galaw ng piso. Bagamat normal lang umano ang naganap na pagtaas ng piso dahil sa kaguluhan, ginagarantiyahan naman ni Espenilla, na patuloy silang magbabantay sa galaw ng piso para sa kapanatagan ng bansa.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com