Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Zeny Zabala, ‘di lola nina Anna at Ina Feleo

NANG yumao ang sikat na kontrabidang si Zeny Zabala, natatawa na lang kami dahil sa rami ng mga maling detalyeng nabasa namin. Ang isang malakas na tawa namin ay iyong sinabing siya ang nanay ng actor na si Johnny Delgado at lola nina Anna at Ina Feleo.

Mali po iyan. Una talagang asawa nga ng director na si Mang Ben Feleo si Aling Zeny at nagsama sila noong 1964 pa. Pero may naunang asawa si Mang Ben, si Victoria Marasigan. Iyon ang nanay ng actor na si Johnny Delgado.

Iyan namang si Aling Zeny, ang unang asawa ng character actor na si Rodolfo Boy Garcia, pero nagkahiwalay din sila. Si Mang Boy naman, later on naging asawa ni Lucita Soriano.

Hindi rin naman laging kontrabida si Aling Zeny. May mga pelikula siyang siya mismo ang bida. Hindi namin matandaan kung anong mga pelikula iyon, pero lahat iyon ay produced naman ni Don Narciso Isidro ng NGI Productions, na lolo naman ni Agot Isidro.

MANIWALA kayo, may mabubuksan pang “can of worms” sa isang kontrobersiyal na kaso ngayon kung magsasalita lang ang isang male star.

Sigurado maski na si Boss Jerry Yap magiging interesado sa kuwentong iyan at marami ang mabubulabog talaga. Nabulabog na nga kami noong una naming marinig ang kuwento. Pero hindi na po kami ang magsusulat ng blind item na iyan. Palagay namin mas maganda kung si Boss Jerry na ang hahalungkat kahit pa nga artista ang involved.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …