Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Bilyonaryong Romero kinatawan ng party-list sa Kamara

ALAM ba ninyong ang kinawatan ‘este mali’ kinatawan ng isang party-list ay idineklara ng Forbes magazine na ika-49 sa mayayamang Filipino?

‘Yan ay noong 2016 nang ang kanyang net worth ay US$150 milyon. Dolyares po ‘yan hindi piso.

Si Rep. Mikee Romero, kinatawan ng 1-Pacman party-list ay nagdeklara ng kanyang net worth sa P7 bilyones.

Habang si Emmeline Aglipay-Villar, kinatawan ng party-list na Democratic Independent Worlers Association Inc. (Diwa) ang ikalawang pinakamayaman na miyembro ng Kamara. Siya ay asawa ni Public Works Secretary Mark Villar at siyempre manugang ng isa pang bilyonarya sa Kongreso na si Senator Cynthia Villar.

Hindi lang silang dalawa ang bilyonaryo at milyonaryong kinatawan ng party-list sa Kongreso. Marami pang iba.

Ang tanong, ano ba ang interes nila sa party-list? Hindi ba’t malinaw na ang party-list ay para sa marginalized sector?

Paano naging kinatawan ng isang marginalized sector ang isang bilyonaryo at mga multi-milyonaryo?

Aba, kung gusto pala nilang tumulong, bakit hindi na lang ang pera nila ang ipamigay nila sa mga mahihirap o kinakatawan nila? Mas mabilis pa!

Kung mga businessman na kayo at ‘yung iba naman ay yumaman sa kanilang karera, bakit gusto pa ninyong pumasok sa Kongreso?!

Ano ang ultimong layunin ninyo?

Kaya tama lang ang sinasabi ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na tanggalin na ‘yang party-list system, dahil sa totoo lang hindi naman naglilingkod sa mga sinasabing marginalized sectors.

At higit sa lahat, ang laki ng pondo at nagagastos diyan na kung susuriin ay duplicate lang ng trabaho ng mga regular congressman.

Sabi nga ng isang political observer, “party-list system is looting taxpayers’ money in the name of marginalized sectors straight to the pockets of their representatives!”

‘Yun na!

BLOGGERS SUSUGOD
SA PALASYO

BASTA blogger ka at may 5,000 followers, puwede nang i-cover si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

‘Yan ang isyu ngayon na maigting na tinututulan ng mga mainstream media na nakatalaga sa Malacañang.

Naniniwala tayo na ang ganitong pagluluwag ay maituturing na ‘security nightmare.’

Ngayon, kung gustong pagbigyan ng Pangulo ang ‘hilig’ o ambisyon na ‘yan ng mga blogger, aba ‘e gumawa sila ng hiwalay na forum para sa mga blogger.

Puwede sigurong once a month, every three months o kahit once a year na lang.

E hindi pa nga nauumpisahan, ang tatapang na ng mga blogger.

Sino ba ‘yung pinagbantaang papatayin? Si Joseph Morong ba?!

Aba ‘e isumbong ninyo ‘yang blogger na ‘yan kay Joel Egco, ang hepe ng Presidential Task Force on Media Safety!

Kidding aside, kung sinoman ang henyong nakapag-isip na ‘ihalo’ ang mga blogger sa mainstream media sa pagko-cover kay Pangulong Digong, ay may maitim na planong durugin ang ‘pamamamahayag’ sa Palasyo?!

Nakita naman ninyo ang asal at kostumbre sa social media ng ibang mga basher ‘este blogger, daig pa nila ang nakabili ng kapangyarihang manglait, magmura, mandahas at manakot. E paano pa kaya kapag nakatuntong na sa Palasyo ang mga ‘yan?!

Sa ganang atin, dapat muling repasohin ni Press Secretary Martin Andanar ang desisyon na ipa-cover sa mga blogger…

Isa itong security nightmare.

ANG ULTIMATUM
NI GM ED MONREAL
SA MGA DOROBONG
BAGGAGE LOADERS

MAHIGPIT na ipatutupad ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang “No Pockets, No Jewellery, No Watch Policy” sa ramp ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Bukod diyan, mahigpit na ring ipatutupad ang paghihigpit sa mga kompanyang hindi susunod sa patakaran ng MIAA.

Ayaw na kasing maulit ni GM Monreal, ang kahihiyang inabot ng ating bansa nang nakawan ng apat na baggage loader ang asawa ng Turkish Foreign Minister.

Sonabagan!

Isang malaking kahihiyan talaga ‘yan!

Mahigpit na ring ipinag-utos ni GM Monreal sa admin office na maging mahigpit sa mga job order (JO) personnel.

Sabi nga ni GM, mukhang hindi uubra ‘yung konsultahan nang konsultahan lang tayo pero pagdating sa implementation ay hindi sumusunod ang mga kompanyang nasa loob ng hurisdiksiyon ng MIAA.

Mali naman talaga ‘yun.

Ang kapuna-puna talaga rito, bakit no’ng nagalit si GM Monreal agad nakapagsagawa ng ‘surprise inspection’ sa locker ng mga baggage loader ang kompanya?

Bakit kapag mga kababayan natin na nawawalan nang malaking halaga lalo ang overseas Filipino workers (OFWs) bakit hindi nakapagsasagawa ng inspeksiyon sa lockers ng mga baggage loader?!

Mantakin ninyo, kayang-kaya naman pala nilang tukuyin kung sino ang puwedeng inspeksiyonin, bakit hindi ginagawa noon pa?!

Ang daming nabiktimang Balikbayan boxes, mga bagahe ng OFWs, alahas, cash at iba pa, ‘yun lang pala ang solusyon, ‘surprise inspection’ bakit hindi ginagawa kapag maliliit na kababayan natin ang nawawalan.

GM Ed Monreal Sir, naniniwala ba kayong, baggage loaders lang ang nakikinabang diyan?!

Pakiimbestigahan pong mabuti GM!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *