Corruption is the enemy of development, and of good governance. It must be got rid of. Both the government and the people at large must come together to achieve this national objective.
— Pratibha Patil
PASAKALYE:
Isang kaibigan ang pumanaw nitong nakaraang mga araw sa katauhan ni Ginoong ROY SINFUEGO, na dating senior reporter ng Manila Bulletin at founder ng Defense at PNP press corps. Nakikiramay po ang Pangil at ang editorial staff ng Hataw at aming publisher na si Ginoong JERRY YAP sa pamilya Sinfuego sa kanilang pagdadalamhati at pangungulila.
AS of press time, magsasampa umano ng kasong plunder at katiwalian laban sa binansagang mga ‘yellowtards’ ng Clark Development Corporation, partikular na si CDC officer-in-charge Noel Mananquil.
Ito po’y may kinalaman sa kinulimbat umanong Aeta fund na dapat sana’y inilaan sa mga katutubo at hindi sa personal na interes ng mga opisyales ng Clark. Umaabot po ito sa P2.5 bilyong nakolekta ng CDC management sa 18 locator sa nakalipas na 10 taon. Sa ilalim ng kasunduan sa pagitan ng mga Aeta at pamahalaan, dapat may share ang mga kapatid nating katutubo sa nasabing koleksiyon.
Nasaan na nga kaya ito?
Hinaing ng mga
retiradong pulis
GOOD morning po, Sir Tracy. Kami po ay mga retired PNP. Nagmamakaawa po (kami) sa inyo na sana po ay maiparating sa ating Pangulo(ng) Duterte na hanggang ngayon (ay) hindi pa rin namin natatanggap ang aming 26-month differential na sabi po ng Pangulo(ng) Duterte na kanya raw ipabibigay ito sa amin dahil marami na po namamatay at nagkakasakit sa amin na hindi nakakatanggap ng kahit munting biyaya. — Retired PNP (09398442051, Agosto 2, 2017)
***
PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o dili kaya’y i-text sa cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 0939122568 para sa Smart. Salamat po!
PANGIL – Tracy Cabrera