Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Denise, gumagawa ng promo para kanyang TV show

NAKATUTUWA si Denise Laurel dahil hindi na niya kailangan ng publicist dahil siya mismo ang gumagawa ng promo ng projects niya sa lahat ng social media accounts niya.

Lalo na kapag oras na ng seryeng The Better Half kasama sina Shaina Magdayao, Carlo Aquino, at JC de Vera ay panay-panay na ang tweet niyna panoorin ang programa dahil malalaman na kung ano ang mga ginawa ni Bianca (karakter niya).

At pagkatapos ay parati siyang nagpapasalamat sa lahat ng tumutok ng The Better Half.

Oo nga, kaabang-abang din naman kasi ang TBH dahil nalalaman na ang katotohanan laban sa kasamaan ni Bianca (Denise) ngayong nadiskubre na ni Marco (Carlo) ang kaugnayan nito sa pagkamatay ng anak nilang si Julia Bianca.

Madamdamin ang mga naging tagpo matapos ipagtapat ni Bianca (Denise) ang kasamaan niyang ginawa kay Sheryl (Regine Angeles) na naging dahilan para tangayin ng asawa nitong si Jonas (Gerald Madrid) si Julia Bianca (anak nina Bianca at Marco) at humantong sa kamatayan nito.

Dahil dito, lubos ang naging galit ni Marco (Carlo) at sisiguraduhing pagbabayaran ng dating asawa ang lahat ng kanyang kasalanan.

Makikipagtulungan naman siya kina Rafael (JC) at Camille (Shaina) upang maisakaturapan ang kanyang mga planong pagbayarin si Bianca (Denise). Makatytulong din nila si Clarita (Maila Gumila), ang madrasta ni Bianca (Denise) upang matapos na ang lahat ng kasamaan nito at maipaghiganti ang pagkamatay ng asawa at kapatid.

Pero sa kabila ng pagtutulong-tulong ng lahat, hindi padadaig si Bianca (Denise) dahil marami pa siyang mga planong siguradong ikagugulat ng lahat at maglalagay sa kanila sa panganib.

Patuloy na panoorin ang mga buhay na pinagsama-sama at sinira ng pag-ibig sa The Better Half pagkatapos ng Pusong Ligaw sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa updates, i-follow ang @thebetterhalfTV sa Facebook, Twitter, at Instagram.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …