Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bela, naiyak nang manood ng rushes ng isinulat niyang pelikula nina Toni at Piolo

PASOK ang 100 Tula para kay Stella movie mula sa Viva Films nina Bela Padilla at JC Santos sa 2017 Pista ng Pelikulang Pilipino na magsisimula sa Agosto 16-22 kaya naman ang ganda ng ngiti ng aktres.

Hindi si Bela ang nagsulat ng script kundi ang direktor na si Jason Paul Laxamana, “artista lang po ako rito sa movie, ito lang po ang partisipasyon ko,” saad ni Bela nang makatsikahan namin sa Viva office noong Miyerkoles.

Kaya namin ito naitanong ay dahil nagsusulat na rin ng script si Bela at sa katunayan, siya ang sumulat ng pelikula nina Toni Gonzaga at Piolo Pascual na ire-release ng N2 Production, Starcinema, at Spring Films na idinirehe ni Joyce Bernal na ipalalabas na sa Setyembre.

“Wala pa nga po akong maisip na title kasi nahihirapan kami kung ano, pero naibigay ko na, ‘We Begin When It Ends’,” sabi ng aktres.

Tinanong namin kung tapos na silang mag-shoot dahil sa September na ang showing.

“Yes, patapos na ang shooting ng pelikula. Nakaiiyak kapag nanonood ako ng rushes.

“Parang tanga, kahit ‘yung mga eksena na light lang, umiiyak ako, kasi nakikita ko na nangyayari ang mga eksena. Tapos, nakakikilig sila (Piolo and Toni),” kuwento ng aktres.

Naikuwento pa ni Bela na ilang gabi siyang hindi makatulog nang malaman niyang si Toni ang bidang babae dahil super fan siya nito.

“Kaya nga po noong nagso-shooting sila, nasa isang tabi ako na-starstruck ako at niloloko nga ako na lapitan ko, sabi ko ayoko, nahihiya ako kaya nandoon lang ako sa tabi ni direk Joyce kasi trainee niya ako (directing),” natatawang kuwento ni Bela nang makita si Toni.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …