Monday , December 23 2024

Charity Diva Token Lizares pinapangarap na makatrabaho sina Nora Aunor at Freddie Aguilar

WOW!

Hindi na lang pala singer ang multi-talented na alaga ni Tita Mercy Lejarde na si Token Lizares dahil sumabak na rin ang tinaguriang “Charity Diva” sa pag-arte. At ang “Pusong Ligaw” na top rating teleserye ng Kapamilya network ang nagsilbing ‘baptism of fire’ ni Token sa pagiging artista na gumaganap siyang owner ng Parlor at amiga ng komedyanteng si Shalala Reyes sa soap.

Marami ang naaliw sa scene ng dalawa dahil babaeng bakla ang dating ng beteranang singer na walang sawa sa pagtulong sa kapwa. Bukod sa Pusong Ligaw, pinasok na rin ni Token ang paggawa ng indie film na isa siya sa bida sa film ni Direk Bert Abihay Dagundong na “Burahin Ang Salot Sa Lipunan.”

Sa isang eksena (death scene) ng co-actor na si Kiel Alo, napatay sa tokhang dahil sa droga ay nangabog ang performance niya na animo’y isang awarded actress na.

Yes napanood namin sa Facebook ang teaser ng movie at ang husay-husay ni Token umarte sa nasabing scene. E, puro magagaling na actors ang kasama niya sa pelikula na kinabibilangan nina: Joel Ortega, Leo Martinez, Dan Alvaro, Efren Reyes Jr., Lovely Rivero, Amay Bisaya, Patricia Javier atbp.

Nakatakda itong ipalabas bago matapos ang 2017. Ngayong gumagawa na ng pelikula ay pangarap ni Token na makasama ang mga idol niyang sina Nora Aunor at Freddie Aguilar sa isang pelikula.

Samantala sa kanyang singing career naman ay labas na sa market next week ang third CD Lite album ni Token titled “Till The World Is Gone” under Ivory Records at idi-distribute ng Astro Plus at Astro Vision nationwide na included rin ang mga song na Ikaw Ang Sagot, Ganyan Kita Kamahal, Times Move On, at One Life To Live at may bonus tracks na Minus One.

Napakinggan na namin ito at katunog siya ng hit song ni Sarah Geronimo na Forever’s Not Enough. May music video rin ang Till The World Is Gone na kasama ni Token bilang leading men sina Kiel Alo at mahusay na actor director na si Al Tantay. Puwedeng mapakinggan ang nasabing awitin sa Spotify, Google Play, iTunes at Amazons.

Pagdating sa shows, in-demand ngayon si Token na mapapanood ninyo as guest sa Awit Sa Marawi sa AFP Theater ngayong August 13 (Sunday) na muli muli niyang makakasama ang Singing Soldier na si Mel Soriano, Sultry Singer Malu Barry, Jonathan Badon and many more.

Special guest rin ang veteran singer, sa Team Love na gaganapin sa Music Box sa August 16 at sa isa pang show na Musicali 3 ng tatlong M sa music industry na sina Marlo Mortel, Marion Aunor at Michael Pangilinan na naka-set on August 30 sa Zirkoh, Morato.

Labis-labis ang pasasalamat ni Token sa Lord of Scents na si Joel Cruz, na all-out daw ang support sa kanyang mga charity work.

TURISMO SA BANSA
LALONG PABOBONGGAHIN
NG “MISS MILLENNIAL
PHILIPPINES” NG EAT BULAGA

Bago, naiiba’t hindi tipikal na beauty contest ang Miss Millennial Philippines 2017 ng Eat Bulaga na nilalahukan ng 38 nagagandahang kandidata mula Luzon, Visayas at Mindanao.

Ayon kay Ms. Jenni Ferre, ang creative o think-tank head ng Eat Bulaga, hindi kailangan ng contestants na perfect ang kanilang vital statistics o ang height nila na kinakailangan sa mga ordinaryong beauty pageant, pero ang mga kandidata nila ay pawang beauty queens din sa kani-kanilang probinsiya at siyudad.

“First time ito na pagsasama-samahin ang beauty queens na hindi napapansin na malalaki ang mga beauty pageants na ginagawa nila pero hindi nakilala (nationwide) ang winners,” ani Ms. Jenni.

Dagdad niya, “Pero dito ang makakasali lang kung ini-endorse sila ng kanilang local government. Hindi kasi kami puwedeng pumasok sa mga bayan nila na hindi nagpapaalam sa local government at kung ano ang dahilan ng pagpunta namin doon.

“Sa beauty contest na ito, involved ang social media, at ang foremost na gagawin ng bawat candidate, kung paano nila ipapakilala ang kanilang lugar (napapanood na ito araw-araw sa EB) kung ano ang gagawin nila sa paggamit nila ng Twitter, Facebook at Instagram, para magkaroon ng interest ang ibang tao mula sa iba’t ibang bayan o city para bisitahin ang kanilang lugar, para tingnan ang magagandang views, matikman ang kanilang exotic food at ang mga kaugalian nila na hindi pa alam ng ibang mga tao.

Gagawa sila ng presentations kung paano nila ipakikilala ang lugar na pinanggalingan.

Pero magkakaroon din ng formal pageant night. Kung ngayon ay gusto muna naming maging millennial din ang mga ayos at outfit nila, dahil ang youngest candidate is 17 at oldest ay 24 years old, magsusuot din sila ng mga long gowns sa pageant night.

Magkakaroon ng cultural night, talent night. Tatanggap ang winner ng P500k, a condominium unit from Bria, plus a 2017 Mistubishi Montero car.

May special award din kaming ibibigay ang Miss

Bayanihan Queen kahit hindi siya umabot sa top 10. Kailangan lamang suportahan siya ng mga kababayan niya at ng local government. Kung sino ang mananalo, ang kanyang lugar ay tatanggap ng P1 milyon para sa improvement ng kanilang lugar at siya (Miss Bayanihan) naman ay tatanggap din ng P100k.

O di ba, nakalulula ang malalaking premyo sa Miss Millennial Philippines ng Eat Bulaga.

Panoorin sila araw-araw sa nasabing longest-running noontime variety show na no.1 sa Mega Manila.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *