Monday , December 23 2024

Ang ‘Narco-Politics’ at si Kenneth Dong

UMAMIN ang ilang senador na tumanggap ng campaign funds mula sa suspected bigtime illegal drugs trafficker na si Kenneth Dong, ang itinuturong “middleman” sa importasyon ng P6.4-B shipment ng illegal drugs na nasabat sa raid ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs (BOC), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at National Bureau of Investigation (NBI) noong Mayo sa Valenzuela City.

Inamin ni Sen. Risa Hontiveros na hindi lang isa, kung hindi dalawang beses pa siyang tumanggap ng campaign funds mula kay Kenneth Dong, alyas Dong Yi Shan Xi at Yi Shan Dong, sa magkahiwalay na eleksiyon.

Ayon mismo kay Hontiveros, P3-M ang naiambag ni Kenneth Dong sa kampanya noong 2013, at P5-M noong 2016 elections.

Napasigaw pa marahil nang malakas na “Praise The Lord!”si dating TESDA director general at very religious Sen. Joel Villanueva nang makatanggap ng P3-M pondo para sa kampanya mula sa suspected bigtime illegal drugs smuggler na si Kenneth Dong noong 2016 elections.

Deklarado sa isinumiteng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) nina Hontiveros at Villanueva sa Commission on Elections kaya’t hindi nila nagawang ikaila ang natanggap na kontribusyon mula sa inaanak na si Kenneth Dong.

Bukod sa dalawa, sina Sen. Migs Zubiri, Sen. Francis “Kiko” Pangilinan at Senate President Pro-tempore Ralph Recto ay kasama rin sa mga tumayong principal sponsors o “Padrino” sa kasal ni Kenneth Dong noong 2013.

Kung sa ibang bansa sila naging senador o opisyal ng gobyerno, tiyak na arestado na ang mga nasabing mambabatas, lalo’t ang abuloy na pera na ginamit sa kampanya ay posibleng kinita ni Kenneth Dong mula sa ilegal na droga.

Hindi ba “narco-politicians” ang tawag sa mga politiko na pinondohan ng perang galing sa ilegal na droga para magsilbing protektor ng mga drug lord sa pamahalaan?

COMELEC, SMARTMATIC
AT ANG NARCO-POLITICS

NAKABABAHALA ang napabalitang pagtanggap ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista ng porsiyento bilang komisyon mula sa kompanyang Smartmatic na isiniwalat ng maybahay na si Trisha ‘Tish’ Bautista.

Marami tuloy ngayon ang nagdududa sa integridad at kredibilidad sa resulta ng 2016 elections para sa vice presidential, senatorial at local candidates.

Hindi maiiwasang ikonekta ng inyong lingkod sa narco-politics ang pag-amin ng limang senador sa kaugnayan nila kay Kenneth Dong at sa ibinulgar ni Gng. Trisha laban sa asawang si Bautista.

Sakaling magkatotoo ang hinala ni Gng. Trisha na tumanggap ng komisyon ang asawa ay hindi rin maiiwasang pagdudahan na inilusot ng Smartmatic na maipanalo ang mga narco-politician at kuwestiyonableng kandidato na hindi naman nanalo pero nakalusot, sa tulong ni Bautista at ng ibang opisyal ng Comelec.

Hindi kasi ako makapaniwala hanggang ngayon kung paano nakalusot sina suspected illegal drugs protector Sen. Leila de Lima at ibang senador na umaming may koneksiyon kay Kenneth Dong na iniuugnay bilang middleman sa importasyon ng P6.4-B shabu shipment.

Wala kayang kaugnayan ang narco-politics sa resulta ng 2016 elections sa vice presidential, at sa protesta laban kay ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada na itinetengga ng Comelec?

Matatandaan na noong pangulo si Erap, isa sa malapit niyang kaanak ang idinawit ang pangalan sa operasyon ng illegal drugs operation sa bansa.

Sa administrasyon din ni Erap sa Maynila naging kapuna-puna ang paglubha ng ilegal na droga mula noong 2013, ayon na rin mismo sa report at datos ng isang tanggapan ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame.

Iginiit ni Bautista na hindi siya magbibitiw sa puwesto at ipinagmamalaki na nakahanda raw niyang harapin kahit masampahan ng impeachment.

Isa kaya sa pangunahing dahilan na nagpapalakas ng loob ni Bautista ay mga suspetsang napaboran ng posibleng manipulasyon sa 2016 elections na napuwesto sa Senado at Kamara na hindi naman nanalo?

Ibig sabihin, ang mga napaboran ng manipulasyon sa 2016 elections sa Senado at Kamara ang unang kakabahan kapag nasampahan ng impeachment case si Bautista.

Alam n’yo na, baka ikanta sila ni Bautista!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *