MABIGAT ang pahayag ni Chinese President Xi Jinping kaugnay ng kanilang pambansang soberanya: “China will never permit the loss of ‘any piece’ of its land to outsiders.”
Ipinahayag niya ‘yan sa kabila na sila ay nahaharap sa “multiple territorial disputes” sa maraming kalapit bansa.
Sa kanyang isang-oras na pananalita sa ika-90 anibersaryo ng pagkakatatag ng People’s Liberation Army (PLA) na itinuturing na bagas ng pagkakatatag ng Chinese Communist Party mula noong 1927 at ngayon ay pinakamalaking puwersang military na may 2.3 milyong miyembro, sinabi niyang: “The Chinese people treasure peace and we absolutely do not engage in invasion and expansion. However, we have the confidence to conquer all forms of invasion.”
Kitang-kita ang matatag na disposisyon ni President Jinping at palagay natin ay hindi niya ito babaliin sa mga bansang mayroon silang land disputes.
Dito naman natin nakikita ang talas ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa pakikipag-alyado sa China.
Hanggang ngayon ay isyu pa rin sa relasyon ng Filipinas at China ang West Philippine Sea na para sa kanila ay South China Sea.
‘Yan po ‘yung Scarborough Shoal, na kilala rin bilang Huangyan Dao, Democracy Reef, Bajo de Masinloc, at Panatag Shoal. Matatagpuan sa pagitan ng Macclesfield Bank at Luzon island sa South China Sea.
Sa katunayan ng kanyang pahayag, tuloy-tuloy ang pagtatayo ng estruktura ng China sa nasabing lugar.
At bukas o sa makalawa, hindi nakapagtataka na baka mayroon nang airport sa nasabing isla.
Ayon pa kay President Jinping, “We absolutely will not permit any person, any organization, any political party — at any time, in any form — to separate any piece of Chinese territory from China.”
Ilan sa mga disputed border ng China ang Himalayas, na noong 1962 ay mayroon silang madugong enkuwentro sa Indian troops.
Sa Japan sa East China Sea islands, at sa lima pang gobyerno na nag-aangkin sa South China Sea.
Maging ang Taiwan ay minsan na ring pinagbantaan ng Beijing na itinuturing na self-governing democratic island Chinese territory.
Habang ang blue-water navy ay sinabing nagtatayo ang China ng unang overseas military base sa Horn of Africa nation of Djibouti, at ang kanilang Chinese ships ay nagsagawa ng pagsasanay sa Baltic Sea ng Russia, na mahigit 10,000 kilometers (6,000 miles) mula sa kanilang home ports.
Hindi na nga maipagkakaila na ang China ang isa sa mga bansang may super powers sa kasalukuyan. Wala silang ginagawang agresyon pero patuloy silang nagpapakita ng puwersa-militar sa mga bansang kanilang kahangganan.
Inaasahan ng buong mundo na sila ay nagpapalakas bilang proteksiyon sa kanilang bansa pero hindi para maglunsad ng agresyon sa mas mahihinang bansa.
Pansamantala, paniniwalaan natin ‘yan.
MABAGSIK
ANG LAWTON
ILLEGAL TERMINAL
OPERATOR
KA JERRY, maraming nakatara riyan sa Lawton illegal terminal. Mukhang nagpadagdag-tara lang ‘yung pulis kaya ipina-entrap ng bruhang operator ng illegal terminal. Ayaw mabawasan ang kita sa terminal. Ganyan kabagsik ho ‘yan.
+639198011 – – – –
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com