Sunday , April 6 2025
gun shot

EX-SAF namaril ng bagets, dalagita tinamaan

ARESTADO ang isang dating miyembro ng Special Action Force (SAF) makaraan akusahan ng pamamaril sa grupo ng mga menor-de-edad na ikinasugat ng isang 14-anyos dalagita sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Lasing pa ang suspek na kinilalang si David Bolor, Jr., 34-anyos, taga-147 Gov. Pascual St., Brgy. Sipac, Navotas City, nang arestohin ng mga operatiba ng Malabon Police Community Precinct (PCP) 3, sa Pampano St., Brgy. Longos, dakong 11:50 at nakompiskahan ng kalibre .9mm pistol.

Sa imbestigasyon nina PO2 Romeo Germinal at SPO1 Romirosa Mallari, sakay ang suspek sa kanyang motorsiklo nang huminto sa harap ng grupo ng mga menor-de-edad sa Block 48, Brgy. Longos.

Bumaba ang suspek at nagtanong sa grupo ng mga kabataan kung sino ang nagsa-shabu sa nasabing lugar. Ngunit nang walang sumagot ay bumunot ng baril ang lasing na si Bolor.

Dahil sa takot, nagpulasan ang mga kabataan ngunit pinutukan sila ng suspek at tinamaan sa kaliwang baywang ang Grade 6 pupil na si April Marie Pepito, ng Block 9, Pama Sawata, Dagat-Dagatan, Caloocan City.

Isinugod ang biktima sa Tondo Medical Center habang narekober sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang basyo ng kalibre .9mm pistol.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

NANAWAGAN si re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., ng pagkakaisa sa gitna ng kinahaharap na …

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

INENDOSO at suportado nina Manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamilya Ko …

Shamcey Supsup-Lee

Shamcey-Lee para sa Konseho sa Pasig, dinagsa ng suporta

LUMALAWAK ang suporta ng  kababaihan sa kandidatura  ni Shamcey Supsup-Lee bilang kinatawan ng unang distrito …

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

NAITAS DOT magkaakibat para sa Takbo Para Sa Turismo

NAITAS, DOT magkaakibat para sa “Takbo Para Sa Turismo”

ANG National Association of Independent Travel Agencies (NAITAS) at ang Department of Tourism (DOT) ay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *