Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Ang mala-MMK na love scam ni komolek ‘este Comelec Chief Andres Bautista

TALAGA naman!

Tikas good boy image itong si komolek ‘este Comelec Chairman Andres Bautista kung titingnan sa mukha pero matindi pala ang kanyang Pandora’s box.

Sumingaw sa hindi naresolbang LQ (lover’s quarrel) nila ng kanyang misis na si Ms. Patricia Paz “Tisha” Cruz Bautista.

Napunta muna sa hatian ng conjugal properties pero nang hindi napagbigyan si misis, pumutok ang isyung ‘impeachable’ P1-B ill-gotten wealth ni Andres?!

Wattafak!?

Sabi nga, gulangan mo na ang matsing huwag lang ang iyong kasiping, dahil tiyak walang suklian kang sisingilin!

Mukhang hindi nakinig si komolek ‘este Comelec Chairman Bautista sa payo ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na, “ayusin ninyo ‘yan, kawawa ang mga bata.”

Sino kaya ang hindi nakinig at hindi nakatiis kaya hayan ‘namulaklak’ (kung baga sa tuli ha, hindi sa namumukadkad na bulaklak) ngayon sa social media ang eskandalo na palagay natin ay matagal nang pinipigil sumabog ng magkabilang partido.

Ang siste sumabog na nga ang matagal nang pinipigil na ‘galit’ kaya hayan pinagpiyestahan ng publiko. Pulutan sa resto/bar, Panini sa coffee shop at hanggang ngayon ay trending sa social media.

Hindi lang ang P1 bilyong ill-gotten wealth, nabunyag din ang ‘BSDM’ o sadomasochism ‘ala-50 shades of grey’ umano ni komolek ‘este Comelec Chairman habang ‘greedy’ o gahamang binabansagan ang ‘simply housewife’ na si misis.

Ano kaya kung naibigay ni Chairman Bautista ang special financial request ni Kumander?

May sasambulat pa kayang expose sa bilyones ni Bautista?

May ‘third eye’ raw si Madame. Giit naman ni Chairman Andy, may third party daw ang kanyang loving wife at hindi third eye?!

Sumawsaw na rin sa suka ‘este sa isyu at parang bawang na sumahog ang iba’t ibang political group lalo na ang mga ‘dilaw.’

Ang kapansin-pansin sa pagsahog ng mga ‘dilaw’ imbes hintayin ang resulta ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa P1-bilyong ill-gotten wealth, agad siniraan sa publiko ang nagbunyag na misis.

Suwapang daw kasi kaya nagkainteres sa ‘pundar’ na yaman ni komolek este Comelec Chairman Bautista.

Hello?!

Bakit ipinagtanggol agad ng ‘dilaw’ ang Comelec chief na sinasabing komolek ng ill-gotten wealth at kontodo kaladkad na may illicit affair si misis?!

Bakit?!

May kinalaman ba ang mga dilawan diyan?!

Puwede ba, huwag muna ninyong pagpiyestahan, imbestigahan muna si Bautista!

HAPPY TRAVEL
TO ALL LGU OFFICIALS
& EMPLOYEES

MALAYA nang makapaglalamiyerda ‘este makalalabas ng bansa ang mga opisyal at empleyado ng local government units (LGUs) kung mayroon silang nakatakdang biyahe na labas sa kanilang trabaho sa pamahalaan.

Naglabas na kasi ng direktiba ang Bureau of Immigration (BI) na hindi na nila hahanapan ng Travel Authority (TA) ang mga opisyal o empleyado ng LGUs na lalabas ng bansa.

Batay ito sa New Guidelines on Travel Authority na ipinalabas ng Department of Interior and Local Government (DILG) na pinirmahan nitong nakaraang Pebrero ni noo’y acting pero ngayon ay sinibak na DILG Secretary Ismael Sueño.

Alinsunod sa nasabing guidelines, kinakailangan na lang ipakita sa mga daraanang immigration officers ang kanilang “approved leave of absence” na pinirmahan ng kanilang department heads sa kanilang munisipalidad o siyudad.

Ngunit hindi lahat ay pasok sa naturang direktiba ng DILG, ang mga gobernador at alkalde na nagmula sa highly urbanized at chartered cities ay kinakailangan pa rin kumuha ng “travel authority” sa DILG kapag sila ay lalabas ng bansa.

Dapat ay nakasaad dito ang nature at purpose ng kanilang biyahe at kung gaano sila katagal mawawala sa kanilang hurisdiksiyon.

Gayonman, puwede pa rin silang makalusot sa direktiba kung hindi lalampas nang tatlong buwan ang pagkawala sa bansa.

Sa isang banda, bentaha ito para sa immigration officers (IO).

Bukod kasi sa mapapadali ang kanilang trabaho, maiiwasan pa ang pakikipagkulitan at pakikipagtalo sa ilang LGU employees na hinahanapan ng kanilang travel order/authorities.

May ilang eksena nga na sila pa ang nagtataray sa mga IO kapag ang hinanapan nila ng TA ay ‘yung matataas ang posisyon sa gobyerno kabilang na rito ang mga mayor at ilang konsuhol ‘este konsehal at ultimong kupitan ‘este kapitan ng barangay!

Madalas kasi na nagdi-disguise pa sila at nagpapakilalang mga businessmen lalo at ang kasama sa kanilang mga biyahe ay kanilang mga bet-ka o kulakudidang?!

O ‘di ba!?

Agad ipinatupad ni BI Commissioner Jaime Morente at BI-POD Chief Marc Red Mariñas ang nasabing kautusan sa lahat ng paliparan at daungan sa buong bansa.

EDUKASYON
MAHALAGA
KAY DUTERTE

Dear Sir:

‘Di nag-atubili si Pangulong Rodrigo Duterte na bumalik sa Marawi upang makausap ang mga sundalo at pataasin ang morale nila. Ipinaabot niya sa mga sundalo ang balitang libre na ang tuition fee sa state universities and colleges na kanyang ipinangako na popondohan niya ang trust fund para sa anak ng mga sundalo.

Batid ng pangulo ang kahalagahan ng edukasyon para sa mga anak ng mga sundalo, kung kaya naman tama lang na inilagak niya ang pondo para rito.

[email protected]
Guagua Pampanga

PAHIRAP SA DRUG TEST
(ATTN: PNP-FEO)

SIR JERRY, bakit naman sobrang hirap sa drug test sa Camp Crame para sa lisensiya ng baril. Wala man lang maayos na opisina. Nasa hagdan lang nakapila mga tao. Dalawa lang ang tao nila kaya ang haba ng pila. Abot 3 oras bago ka ma-drug test. Ang laki ng ibinabayad namin pero pahirap ang sukli sa mga aplikante.

+63915963 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *