Friday , December 27 2024

Traffic beret bagong pauso ni MMDA Chair Danny Lim

WALA na ang bull cap dahil papalitan na ng black beret ang sombrero ng mga traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic enforcer para raw mabago ang kanilang imahen.

Matagal na raw ang planong pagpapalit ng uniporme ng mga enforcer partikular ang head gear. Paliwanag ni Director Roy Taguinod ng Traffic Discipline Office ng MMDA, makikita sa bagong uniporme ng MMDA na kagalang-galang na sila at dapat sundin.

“Speaks of authority. Nakikita nila na ‘uy kagalang-galang ito,’ So from there, nakikita mo pa lang ang enforcer na nakatayo riyan, siyempre kailangan, sumunod tayo,” ani Taguinod.

Ganern?!

Sabi naman ng mga enforcer, nararamdaman nila na matikas at tigasin na ang kotong ‘este dating nila ngayon habang ginagabayan ang mga motorista sa tamang babaan at sakayan, lalo sa EDSA.

Ganoon ba talaga?!

E parang kinopya lang yata sa beret ng Scout Rangers, Marines, at Special Action Forces. Siguro raw e nami-miss ni MMDA chairman Danny Lim ang pagiging Scout Ranger, kaya ipinabago niya ang head gear ng MMDA traffic enforcers hehehe…

Ang isa pa nating ipinagtataka, parang ‘yung MMDA spokesperson na ang napagkakamalang chairperson ng MMDA?!

Mas maaga pa kasing nakikita sa kalsada umulan man o umaraw si Madame kaysa kay Chairman?! Nasaan ba si Chairman Danny Lim? Hindi ba dapat na siya ang ‘first break’ sa mga pagbabago sa MMDA bago pumutak nang pumutak ang kanyang spokesperson?

Chairman Danny Lim, Sir, nami-miss ka ng publiko sa ginagawa mong ‘yan…

Pero ang tanong lang po ng inyong lingkod, pagpapalit ba ng uniporme ang nagtatakda ng pagbabago ng isang gawi o imahen?!

Hindi ba’t disiplina ang kailangan hindi pagpapalit lang ng head gear?!

Pakisagot na lang po.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *