Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Traffic beret bagong pauso ni MMDA Chair Danny Lim

WALA na ang bull cap dahil papalitan na ng black beret ang sombrero ng mga traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic enforcer para raw mabago ang kanilang imahen.

Matagal na raw ang planong pagpapalit ng uniporme ng mga enforcer partikular ang head gear. Paliwanag ni Director Roy Taguinod ng Traffic Discipline Office ng MMDA, makikita sa bagong uniporme ng MMDA na kagalang-galang na sila at dapat sundin.

“Speaks of authority. Nakikita nila na ‘uy kagalang-galang ito,’ So from there, nakikita mo pa lang ang enforcer na nakatayo riyan, siyempre kailangan, sumunod tayo,” ani Taguinod.

Ganern?!

Sabi naman ng mga enforcer, nararamdaman nila na matikas at tigasin na ang kotong ‘este dating nila ngayon habang ginagabayan ang mga motorista sa tamang babaan at sakayan, lalo sa EDSA.

Ganoon ba talaga?!

E parang kinopya lang yata sa beret ng Scout Rangers, Marines, at Special Action Forces. Siguro raw e nami-miss ni MMDA chairman Danny Lim ang pagiging Scout Ranger, kaya ipinabago niya ang head gear ng MMDA traffic enforcers hehehe…

Ang isa pa nating ipinagtataka, parang ‘yung MMDA spokesperson na ang napagkakamalang chairperson ng MMDA?!

Mas maaga pa kasing nakikita sa kalsada umulan man o umaraw si Madame kaysa kay Chairman?! Nasaan ba si Chairman Danny Lim? Hindi ba dapat na siya ang ‘first break’ sa mga pagbabago sa MMDA bago pumutak nang pumutak ang kanyang spokesperson?

Chairman Danny Lim, Sir, nami-miss ka ng publiko sa ginagawa mong ‘yan…

Pero ang tanong lang po ng inyong lingkod, pagpapalit ba ng uniporme ang nagtatakda ng pagbabago ng isang gawi o imahen?!

Hindi ba’t disiplina ang kailangan hindi pagpapalit lang ng head gear?!

Pakisagot na lang po.

SI MIKE, SI JUDGE,
SI BORBIE…
WHO’S NEXT?

ANG dating editor ng Businessworld na si Mike Marasigan, si Butuan judge Godofredo B. Abul, Jr., at si Pasay Councilor Borbie Rivera — lahat sila ay hinatulan ng kamatayan ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa loob lamang ng isang linggo.

Si Marasigan patay agad, ang kanyang kapatid ay nasa kritikal na kondisyon hanggang ngayon. Patay rin agad si Judge Abul habang ang kanyang misis ay sugatan at hanggang ngayon ay nasa ospital pa. Naka-wheelchair at nagre-recover pa lamang sa nakaraang ambush sa kanya si Konsehal Borbie nang ratratin kamakalawa ng dalawang gunman sa harap mismo ng SM Southmall sa Las Piñas City — hindi na umabot nang buhay sa Asian Hospital & Medical Center.

Gunmen on the loose… Very alarming na ‘raw’ ayon sa Integrated Bar of the Philippines (IBP).

Alam natin na isisisi na naman ito ng ilang sektor sa anti-drug war ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte at sa kanyang peyborit expression na “patayin ko ‘yan!”

Pero huwag po tayong maliligaw ng pagtingin. Ang una po nating pagpaliwanagin dito ang Philippine National Police (PNP). Huwag nating kalimutan na ginagaya o inuulit ang isang krimen kung naging inutil ang pulisya sa mga kasong paulit-ulit na nangyayari gaya nga ng sunod-sunod na pamamaslang nito lamang nakaraang linggo.

Police visibility pa rin ang unang dapat na i-check kung bakit napakalakas ng loob ngayon ng sandamakmak na hired killer na gustong-gustong magpa-almusal, tanghalian, hapunan ng ‘bala’ sa kanilang mga target.

At ‘yan ay ginagawa nila sa mga oras o lugar na marami pang tao.

Wattafak?! Si Judge Abul ay mismong sa harap ng kanyang bahay. Habang sina Marasigan (sa San Juan) at si Konsehal Borbie (SM Southmall, Las Piñas) ay kapwa sa mataong lugar.

What’s happening to our policemen, Gen. Bato?! Kaya n’yo ba talagang pangalagaan ang peace and order sa ating bansa?

Totoong maraming komunidad sa Metro Manila ang nagkaroon ng katahimikan nang sunod-sunod na napapaslang ang mga sinasabing drug addicts at drug pushers. Pero, mukhang ito rin ang ginagamit na ‘kalasag’ ng hired killers ngayon kaya hindi sila natitimbog ng mga pulis.

Pero noon pa man, sinasabi na natin, ang police visibility ay nakatutulong nang malaki upang sagkaan ang masasamang hangarin ng mga kriminal. Kung kulang ang police visibility at kung walang nahuhuli at napaparusahang kriminal tiyak na paulit-ulit na mangyayari ‘yan.

Idagdag pa ang ‘culture of impunity’ na matagal nang umiiral kahit hindi pa si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang presidente ng bansa.

Kung patuloy na ganito ang iiral sa ating bansa, ang lagi na lang nating maitatanong: “Who’s next Gen. Bato?” Tsk tsk tsk…

ISANG MAPAYAPANG
PAGLALAKBAY SA DALAWANG
ROY NA KAPWA BETERANONG
MAMAMAHAYAG

MAGKASUNOD na namayapa ang dalawang beteranong mamamahayag na sina Roy Acosta at Roy Sinfuego.

Nitong Huwebes si Manong Roy A., at nitong Sabado ng gabi si Kuyang Roy Sinfuego.

Si Manong Roy ay nakasama ng inyong lingkod sa National Press Club (NPC) noong tayo ay unopposed na inihalal ng ating mga katoto.

Si Kuyang Roy naman ay halos ilang dekada na nating kakilala at madalas niya tayong iniimbitahan sa Kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico tuwing Miyerkoles.

At gaya nang dati paulit-ulit na ibabahagi ni Kuyang Roy ang kanyang mga karanasan sa coverage.

Pero sabi nga, laging may katapusan ang istorya, at kapwa itinipa nina Manong Roy at Kuya Roy ang “30” sa kanilang buhay.

Kung saan man sila dadalhin ng kanilang huling paglalakbay, inuusal ko sa aking dalangin na ito ay walang hanggang kapayapaan pabalik sa Dakilang Manlilika.

So long Manong Roy and Kuyang Roy, huwag kayong magtaguan o mang-scoop ng istorya diyan sa pupuntahan ninyo ha!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *