Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Matinding acting ni Aljur ‘di kailangan

Sa unit ni direk Malu unang lumabas si Aljur Abrenica, “ako ang nag-first shoot sa kanya. May template na kasi siya,” sabi sa amin.

Ano naman ang masasabi nito sa bagong lipat sa Kapamilya Network?

“Okay, okay, may willingness 200%,” napangiting sagot ni direk Malu.

Marunong ng umarte si Aljur? ”Well, hindi naman kailangan ng matinding acting pa, kasi aksiyon ito, eh, so walang malalim na drama.”

Ikinompara pa namin si Aljur kay Ejay Falcon na unang naidirehe sa seryeng Katorse na talagang katakot-takot na pagtuturo ang ginawa ni direk Malu para maka-arte.

“Magkaiba kasi sila (Ejay at Aljur). Drama kasi ‘yun (Katorse), kay Ejay, itong kay Aljur, it’s an action drama, so far, acting requirement dito for him (Aljur) is not a highly dramatic. So magkaiba talaga,” paliwanag mabuti ni direk Malu.

Anak si Aljur ng corrupt businessman na may-ari ng isang mining company na nag-o-operate ng ilegal at may koneksiyon sa mga rebelde na magkakaroon ng koneksyon kay Cardo (Coco).

Tinanong namin kung magtatagal si Aljur o guest sa programa, ”I think he’s a special guest, hindi ko lang alam kung gaano katagal ang run niyon,” say ni direk Malu.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …