Friday , November 22 2024

Tuition free sa SUCs pangakong hindi napako ni Digong

KAHIT ano pa ang mga pahatid-mensahe ni Budget Secretary Benjamin ‘joke no’ Diokno na walang budget para sa libreng matrikula ng mga estudyante sa state universities and colleges (SUCs), hindi nagdalawang-isip si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na lagdaan ang panukalang batas.

Mismong si Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra ang nagpahayag niyan sa publiko kahapon.

‘Yan ay sa kabila nang pag-aalangan ng ilang miyembro ng economic team niya sa gagastusin ng gobyerno upang pasanin ang libreng tuition na posible umanong abutin ng P100 bilyones.

Nauna nang sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno, maaaring hindi kayanin ng gobyerno na pasanin ang libreng tuition sa SUCs, at maaaring maglabas ng P100 bilyon ang gobyerno kada taon para rito sakaling maging batas ang panukala.

Ayon kay Guevarra, isinaalang-alang aniya ng pangulo ang pangmatagalang epekto at benepisyo na idudulot ng libreng tuition sa publiko.

Medyo kinalambre lang umano si Diokno sa kalkulasyon sa pag-aakalang ipatutupad nang sabay-sabay ang lahat ng aspekto ng batas, kasama na ang non-mandatory provisions.

Sa datos kasi ng Commission on Higher Education, kakailanganin ng inisyal na P16 bilyon upang maipatupad ang mga kondisyon ng batas, gaya ng libreng tuition at miscellaneous fees.

Pero sa totoo lang, hindi ang libreng tuition fee ang isyu sa mga state universities gaya ng University of the Philippines (UP).

Sa totoo lang, maraming nag-aaral sa UP na kung tutuusin ay kayang mag-aral sa Ateneo o sa iba pang ekslusibong unibersidad. Pero mas gusto nilang mag-aral sa UP dahil mas nakatitipid sila bukod pa sa karangalang makapag-aral at makapagtapos dito.

Bukod diyan, kopong-kopo rin nila ang quota courses dahil galing sa mga eksklusibong paaralan noong elementay at high school na mas malaki ang bentaha sa mga estudyanteng galing sa pampublikong paaralan.

Kaya kung napagkakaitan ng pagkakataon na makapag-aral ang mahihirap, hindi tuition fee ang tunay na isyu kundi ‘yung oportunidad na naagaw sa kanila.

Pansinin ninyo, karamihan ng mga estudyante sa UP ay Tsinoy, mga anak ng mga negosyante at iba pang nasa mataas na saray ng lipunan.

Ibig sabihin, kung lilimiing mabuti, kung kayang maglaan ng P100 bilyon ng pamahalaan para sa ‘tuition free’ sa SUCs dapat mayroon ding ganyang pondo para pataasin ang antas at maging equip ang mga public elementary at high schools nang sa gayon ay makalaban nang patas ang graduates nila sa graduates ng exclusive schools.

Kahit maglaan ng P100 bilyon ang gobyerno sa SUCs kung maraming mahihirap na out-of-school youths ang hindi man lang nakapagtapos ng elementarya, sino ang makikinabang sa P100 bilyong pondo para sa tuition free SUCs?!

Klaro na ‘yung mayayaman din, hindi ba?!

Ang tuition free sa SUCs ay mukha lang masarap pakinggan, pero kung susuriin, hindi rin ito nagiging pabor sa mahihirap.

Dapat mas ilaan ang pondong ‘yan sa pre-schools, elementaries, high schools at senior high para matiyak na ang ating mga kabataan ay makarating sa kolehiyo.

Alalahanin na mas problema ng bansang ito na makarating sa kolehiyo ang mga kabataang anak ng dukha dahil hindi nga sila makatapos ng elementarya at high school.

Pero dahil batas na ‘yan, ang susunod na dapat isulong ay dagdagan ng pondo at tiyakin na makapagtatapos sa elementarya at high school ang ating mga kabataan para makapagkolehiyo.

Kung hindi napako ang unang pangako, naniniwala ang inyong lingkod na magagawa rin ni Tatay Digong ang iminumungkahi natin.

Salamat po, Mr. President para sa tuition free sa SUCs!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *