ILANG beses na itong napapatunayan at lahat ng mga nabibiktima ng ‘pambabaterya’ e lumalabas na ‘winner’ kahit ano pa ang gawin ng kanilang detractors.
Ang pinakahuling eksampol niyan ay si Bureau of Customs (BoC) Commissioner Nicanor Faeldon na tila ‘kriminal’ na iginisa sa Kamara kaugnay ng P6-bilyong shabu na nakapuslit sa Customs.
Mantakin naman ninyo, ‘yung Customs na nga ang nakahuli sa P6 bilyong shabu tapos sila pa ngayon ang iginigisa sa Kamara?!
Wattafak!?
Hindi ba’t ipinaliwanag at inamin naman nila na sa eagerness nilang mahuli agad ‘yung kontrabando ‘e mayroon silang naging technical violations.
Bukod sa nasakote ang kontrabando mayroon din mga ‘shady people’ na plano na nilang sampahan ng kaso.
Ang problema sa mga utak-pulpol na mga politiko, masyado silang nagpapaka-diyos.
“Damn if you do, damn if you don’t,” ang sistema ng paninising ginagawa nila sa mga opisyal ng gobyerno kapag hindi nila mapasunod na parang ‘tuta’ sa mga gusto nilang mangyari.
Ilang Customs commissioners na ba ang ‘inaalipin’ ng mga politikong malaki pa sa mga katawan nila ang ‘interes’ na pinoproteksiyonan sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan?
Gaya nga ng nabunyag na mayroon palang mambabatas na gustong ipa-promote ang bata-bata nila sa Customs?
Talamak nga noon sa Customs, ang ‘tanim-bata’ nila sa juicy positions para makapag-deliver sa kanila ‘di ba? Pero ngayon ay iba na. Dehins na umubra ang ganoon diskarte nila kay Faeldon.
Sabi nga ni Commissioner Faeldon, kayo na nga ang nagsasabi na ang Customs ay isa sa mga pinaka-corrupt na ahensiya ng pamahalaan, e bakit kayo pa ang tumutulong na ‘ilublob’ lalo sa katiwalian ang Bureau?
Nagtataka naman kasi tayo sa mga politiko na ‘yan, kung talaga namang magaling, matalino at may pagmamahal sa serbisyo publiko ang mga bata-bata nila, bakit kailangan pa nilang ilakad for promotion?
Kaya lalong nagkakaletse-letse ang burukrasya dahil sa pakikialam ng mga nagmamayabang na ‘halal’ kuno ng bayan.
Puwede ba, mga horrorbale ‘este ‘honorable’ lawamakers magtrabaho kayo nang totoo…
Huwag ninyong gamitin ang ‘investigation in aid of legislation’ sa in aid of your own interest!
GOOD NEWS, BAD NEWS
SA PINALAWIG
NG BISA NA PASSPORT
AT DRIVER’S LICENSE
MAGANDANG balita po ‘yan!
Ang driver’s license ay limang taon na ang bisa habang ang passport naman ay 10 taon na.
Talagang magandang balita ‘yan.
Ang bad news: limang taon din bang maghihintay kung mailalabas pa nga ba ang permanenteng driver’s license card o sa loob ng limang taon ay resibong papel lang ang hawak ng motorista?
Nagbago na nga ang administrasyon, iba na ang presidente, iba na ang LTO chief, pero hanggang ngayon wala pa rin ang driver’s license card at plaka ng sasakyan.
Para que ang pagpapalawig sa bisa ng lisensiyang ito?!
Talaga bang magpapaka-inutil na lang ang mga opisyal ng LTO at hihintayin na lang nilang mahulog mula sa langit ang driver’s license card?!
‘Yung 10 taon na pinalawig ang bisa ng passport, good news din po ‘yan…
Ang bad news: hindi man lang binabaan ang presyo dahil nanatili ang kontrata ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa APO-UGEC para sa pag-iimprenta nito.
Sana man lang, pinalawig ang bisa at binabaan ang singil lalo na para sa overseas Filipino workers (OFWs).
Dapat nga libre na para sa OFWs!
Huwag sanang kalimutan ng mga opisyal ng gobyerno na nagiging makabuluhan lang ang isang batas kung nararamdaman nang mas maraming mamamayan ang kahalagahan nito sa kanilang buhay lalo na ‘yung makatutulong sa kanilang pag-unlad.
‘Yun lang po.
ANYARE SA BAGONG
IMMIGRATION LAW!?
MUKHANG nganga na namang maliwanag ang aabutin ng mga taga-Bureau of Immigration (BI) matapos ma-etsapuwera sa pangalawang pagkakataon na makasama ang pag-amyenda sa panukalang baguhin ang existing Immigration law ng bansa.
Sa pagbubukas kasi ng pangalawang session ng kamara, WALA as in waley raw sa listahan ng 38 priority bills na pagdidiskusyonan ang mga mambubutas ‘este mambabatas?!
Omeyged!
Naturalmente sapol na maliwanag ang pagkakaroon muli ng “overtime pay” ng mga empleyado.
Ano pa nga ba?!
Ito pa naman ang talagang inaasahan na pag-asa ng mga matagal nang nagtitiis na empleyado, organic man o contractual ng bureau!
Marami ang nag-akala kabilang ang inyong lingkod na kasado na o kasama na ito sa mga magiging prayoridad na balitaktakan sa kongreso?!
Hindi ba ito ang naging praise release ‘este press release ng ilang eksperto raw diyan sa Bureau?
Ibig bang sabihin kinulang na naman sa efforts ang mga opisyal na nandiyan sa loob?
Hayyyss!
Tanging pag-asa na lang sa ngayon ay makaramay ang ahensiya sa panukalang Salary Standardization Law (SSL).
Mabuti naman at pinalad na makasama sa sinasabing 38 priority bills na nakaumang ngayon sa kanilang agenda.
Those who are in command in the Bureau of Immigration right now should work doubly hard if they are really bent in giving back the overtime pay & upgrading the salaries of these poor employees!
Wheew! Ingles ‘yun ha!
Sa madaling salita, DOBLE KAYOD!!!
Kaya please lang, huwag magpatulog-tulog sa pansitan!!!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap