Saturday , November 23 2024
ISA-ISANG sinagot ni Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon sa press conference, ang sunodsunod na batikos makaraan ang imbestigasyon ng Senado at Kamara kaugnay sa isyu ng nakalusot na shipment ng P6.4 bilyon halaga ng shabu at nakompiska sa isang warehouse sa Valenzuela City. (BONG SON)

You cannot put a good man down

ILANG beses na itong napapatunayan at lahat ng mga nabibiktima ng ‘pambabaterya’ e lumalabas na ‘winner’ kahit ano pa ang gawin ng kanilang detractors.

Ang pinakahuling eksampol niyan ay si Bureau of Customs (BoC) Commissioner Nicanor Faeldon na tila ‘kriminal’ na iginisa sa Kamara kaugnay ng P6-bilyong shabu na nakapuslit sa Customs.

Mantakin naman ninyo, ‘yung Customs na nga ang nakahuli sa P6 bilyong shabu tapos sila pa ngayon ang iginigisa sa Kamara?!

Wattafak!?

Hindi ba’t ipinaliwanag at inamin naman nila na sa eagerness nilang mahuli agad ‘yung kontrabando ‘e mayroon silang naging technical violations.

Bukod sa nasakote ang kontrabando mayroon din mga ‘shady people’ na plano na nilang sampahan ng kaso.

Ang problema sa mga utak-pulpol na mga politiko, masyado silang nagpapaka-diyos.

“Damn if you do, damn if you don’t,” ang sistema ng paninising ginagawa nila sa mga opisyal ng gobyerno kapag hindi nila mapasunod na parang ‘tuta’ sa mga gusto nilang mangyari.

Ilang Customs commissioners na ba ang ‘inaalipin’ ng mga politikong malaki pa sa mga katawan nila ang ‘interes’ na pinoproteksiyonan sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan?

Gaya nga ng nabunyag na mayroon palang mambabatas na gustong ipa-promote ang bata-bata nila sa Customs?

Talamak nga noon sa Customs, ang ‘tanim-bata’ nila sa juicy positions para makapag-deliver sa kanila ‘di ba? Pero ngayon ay iba na. Dehins na umubra ang ganoon diskarte nila kay Faeldon.

Sabi nga ni Commissioner Faeldon, kayo na nga ang nagsasabi na ang Customs ay isa sa mga pinaka-corrupt na ahensiya ng pamahalaan, e bakit kayo pa ang tumutulong na ‘ilublob’ lalo sa katiwalian ang Bureau?

Nagtataka naman kasi tayo sa mga politiko na ‘yan, kung talaga namang magaling, matalino at may pagmamahal sa serbisyo publiko ang mga bata-bata nila, bakit kailangan pa nilang ilakad for promotion?

Kaya lalong nagkakaletse-letse ang burukrasya dahil sa pakikialam ng mga nagmamayabang na ‘halal’ kuno ng bayan.

Puwede ba, mga horrorbale ‘este ‘honorable’ lawamakers magtrabaho kayo nang totoo…

Huwag ninyong gamitin ang ‘investigation in aid of legislation’ sa in aid of your own interest!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *