Monday , December 23 2024

Kinuyog si Faeldon ng ‘Padrino system’

KUNG makasigaw ang mga nananawagan sa pagbibitiw ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Nicanor Faeldon ay para bang magugunaw na bukas ang Filipinas sa kaso ng P6.4-B shipment ng shabu na nasabat sa lungsod ng Valenzuela noong buwan ng Mayo.

Daig pa ng mga nag-iimbestigang mambabatas sa Senado at Kamara ang mga artista kung umarte at akala mo’y mga walang muwang pagdating sa smuggling.

Bakit, ano’ng administrasyon ba hindi nagsagawa ng imbestigasyon ang Senado at Kamara sa Customs tungkol sa smuggling?

Imbes idiin ang mga responsable sa shipment ng nasabat na kontrabando ay si Faeldon ang pinagtutulungang kuyugin ng mga nakasawsaw sa smuggling.

Nagsama-sama ang mga nasagasaan ni Faeldon, ang bukod-tanging sumunod sa yapak ni dating Senate President Juan Ponce Enrile na noo’y naging commissioner at unang nagpatupad ng “No Padrino System” policy sa Customs.

Posibleng may mga smuggler na nakikinabang at napapaboran sa kasalukuyan at kapareho lang din ng mga sinundang liderato ni Faeldon sa Customs.

Hindi na nga lang singdami ngayon kompara sa mga nakaraan na umiiral ang “padrino system” na karamihan ay hawak ng mga politikong mambabatas na malalapit sa mga dating administrasyon.

Sabi nga, weather-weather lang!

Pinakamahirap buwagin ang matagal nang umiiral na Padrino System sa Customs kaya marami ang nagagalit kay Faeldon. (‘Di ba, Surigao Rep. Prospero ‘Butch’ Pichay?)

Mantakin n’yo, ang mga hawak na testigo ng Senado at Kamara na ginagamit laban kay Faeldon ay ‘yun mismong mga nasa likod at lumakad na maipuslit ang illegal drugs sa bansa, kasama ang kakutsaba nilang tiwali sa Customs.

Ang masaklap, ang mga damuhong sangkot sa smuggling ng illegal na droga pa ngayon ang nagtatamasa sa ibinibigay na proteksiyon ng mga mambabatas.

Ibig sabihin, okey na ang magpasok ng illegal drugs sa bansa basta’t tetestigo lang kapag hindi nakuha ang hinihinging pabor.

Kailangan pag-aralang mabuti ni beloved President Rodrigo “Digong” Duterte ang pagpapasiya na nangangailangan nang kung tawagin ay ‘Solomonic Wisdom.’

Hindi naman garantiya na masusugpo ang kawalanghiyaan kapag hindi si Faeldon ang mamumuno sa Customs.

Karamihan sa mga mambabatas na nananawagan sa pagbibitiw ni Faeldon ay mga trapong balimbing na nakiki-Duterte lang para makakuha ng pabor at nagtatago sa kunwa-kunwariang ‘investigation in aid of legislation’ na matagal nang bistado ng publiko.

Natumbok ni Faeldon ang Padrino System na pangunahing dahilan kung bakit hindi masawata ang smuggling at corruption sa Customs.

Dahil sa No Padrino System ni Faeldon, nagulo ang tabakohan ng mga walanghiyang nakasawsaw at nakikinabang sa smuggling at nabulabog ang langgaman.

Masyado nang inaabuso ng Senado at Kamara ang pag-iimbestiga para hindi mahalatang nakikialam sa pagpapatakbo ng Customs na nasa ilalim ng executive branch.

At kung may natitira pang kahihiyan ang mga nasa Senado at Kamara, mas makabubuting sa trabaho na lang nila aksayahin ang kanilang panahon bilang mga mambabatas.

Tingin natin, technicalities lang ang naging problema ni Faeldon at ng kanyang mga tauhan sa nasabat na shabu shipment at hindi deliberate o sinadya.

Masyado na kasing marami ang opisina sa Customs kaya hirap tukuyin ang mga dapat mapanagot sa pagnanakaw at kawalanghiyan.

Ang solusyon, gawing simple na lang ang proseso at buwagin ang napakaraming opisina sa Customs.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG

ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *