Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ikaw Lang ang Iibigin, nangunguna pa rin sa pang-umagang timeslot

PAMILYA ang pagmumulan ng lakas ni Gabriel (Gerald Anderson) upang lumaban sa buhay sa patuloy na pagpapahirap sa kanyang buhay ni Carlos (Jake Cuenca) at ng ama nitong si Roman (Michael De Mesa) ngayong naisiwalat na ang lihim na bunga siya ng panloloko ni Victoria (Ayen Munji-Laurel) sa Kapamilya morning series na Ikaw Lang ang Iibigin.

Sunod-sunod na nga ang dagok na nararanasan ni Gabriel matapos siyang sampahan ng kaso ni Roman, na naging dahilan ng pagkakatanggal niya sa unibersidad, nang magpumilit itong pumasok sa kanilang tirahan at iligtas si Victoria. Dagdag pa rito ang pagkakaalis niya bilang endorser ng Tiger Shark dahil naman sa mas lumalalim nilang awayan ni Carlos.

Ngunit habang sinusubok siya ng tadhana, isang magandang balita ang tutulong sa kanyang pamilya umahon mula sa mga pagsubok sa pag-alok sa kanya ng kalabang kompanya ng Tiger Shark bilang bago nitong endorser sa tulong ni Isabel (Coleen Garcia). Patuloy din niyang magiging sandalan si Bianca (Kim Chiu) ngayong mas tumitibay pa ang kanilang relasyon sa kabila ng hirap sa buhay.

Ano na nga kaya ang magiging kapalaran ni Gabriel sa kamay nina Carlos at Roman? Paano nga kaya malalampasan ng kanilang pamilya ang paghihirap na kanilang dinaranas? Maapektuhan kaya nito ang pagmamahal nila ni Bianca?

Samantala, patuloy naman ang pangunguna ng Ikaw Lang ang Iibigin sa umaga. Noong Lunes (July 31), nagkamit ang serye ng national TV rating na 15.9% laban sa Trops na nakakuha lamang ng 9%, ayon sa datos ng Kantar Media.

Huwag palampasin ang seryeng magpapatunay na hindi sumusuko ang puso sa pangarap at pag-ibig, ang Ikaw Lang ang Iibigin, sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …