Friday , December 27 2024

Party-list system nais nang lusawin ng pangulo

BAGAMA’T lehislatura ang may karapatang buwagin ang party-list system sa pamamagitan ng pag-amyenda sa 1987 Constitution, nais ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na sa kanyang administrasyon tuluyang lusawin ito.

Ayos ‘yan.

Nabubuwisit na kasi ang Pangulo dahil sa ‘binaboy’ at ‘sinalaulang’ party-list system na umiiral ngayon.

Opo. Para sa pangulo binaboy at sinalaula ang party-list system na umiiral ngayon at hindi na ito nagsisilbi sa orihinal na layunin na direktang magkaroon ng boses at representasyon sa Kongreso ang marginalized sectors.

Kung ang mga regular na mambabatas ay kinatawan ng kanilang mga distrito mula sa iba’t ibang lungsod, bayan at lalawigan, ang party-list representatives ay kinatawan naman ng mga tinutukoy na ‘marginalized sectors’ gaya ng manggagawa, magsasaka, anakpawis o maralitang lungsod, public sector employee, kabataan at propesyonal.

‘Yan lang naman ang alam nating regular na sektor, sige idagdag natin ‘yung sub-sector na senior citizens, at persons with disability (PWD) na mayroon talagang espesyal na pangangailangan, pero maliban sa mga nabanggit sa itaas, wala na tayong alam na iba pang sektor na mga nakaluklok ngayon bilang party-list — gaya ng LPGMA, security guards, 1-Pacman, at iba pang nagsasabi na sila ay kinatawan ng marginalized sector.

Hello?!

Kailan pa naging marginalized ang mga negosyanteng nagbebenta ng petroleum products na hindi nga makontrol ng gobyerno ang pres-yo!? Ang 1-Pacman na party-list umano ng mga sportsman at mga atleta na ang representative ay may-ari ng mga koponan ng basketball at nagbabayad nang milyon-milyon sa kanilang players.

Paano nga naman tatawaging marginalized sector ‘yan?!

Ibig sabihin, ‘yung mga angkan din ng nakaupong mga politiko ang nakikinabang sa party-list system dahil may boto na sila sa kanilang lalawigan.

Nais isakatuparan ni Pangulong Digong ang paglusaw sa party-list system sa pamamagitan ng constitutional assembly dahil ang constitutional convention ay masyadong magastos.

Maging si Senator Panfilo Lacson ay sang-ayon sa nais mangyari ng Pangulo dahil hindi na nga naman naglilingkod sa tunay na layunin kung bakit binuo ang party-list system.

Sabi ng Senador, “… the system had been bastardized.”

Sa ganang atin, nang pasukin ng ‘political dynasty’ representatives ang party-list system, dapat noon pa ay nilusaw na ‘yan.

Isa tayo sa mga naniniwala na kapag nilusaw ang party-list system, dapat na rin aprubahan ang anti-political dynasty bill.

Aprub po tayo riyan!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *