Friday , November 22 2024

C/Insp. Jovie Espenido dapat italaga sa Metro Manila!

Tapat sa tungkulin at buo ang loob, naniniwalang dapat nang tuluyang wakasan ang pamamayagpag ng sindikato ng ilegal na droga sa bansa, kaya maging ang inyong lingkod ay kombinsido na si Chief Inspector Jovie Espenido ay mas dapat na italaga sa Metro Manila, lalo sa Maynila.

Nakita niyo naman, lahat nang malalaking huli sa illegal na droga sa Maynila ay trabaho ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at National Bureau of Investigation (NBI) ang nakasasakote.

Bakit kaya? Mahina ba ang Intel ng Manila Police District (MPD) o malakas lang sa pang-iintelihensiya?

Sa Metro Manila mas nararapat ang gaya ni Major Espenido, lalo’t hindi matapos-tapos at matakot-takot ang mga ‘kinatawan’ at ‘lider’ ng ilegal na droga sa bansa.

Sabi nga ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, hindi siya titigil hangga’t hindi nauubos ang kahuli-hulihang sindikato ng ilegal na droga na nag-o-operate sa bansa.

Mga suki, si Major Espenido rin ang hepe ng pulisya sa Albuera, Leyte, ang bayan ng napaslang na si Mayor Rolando Espinosa.

Pero matapos ang insidente, inilipat si Espenido sa Ozamiz City.

Sa kamay ni Espenido, ‘nagwakas’ ang pamamayagpag ng mga Parojinog.

Sa pagharap sa media, kakikitaan ang mukha ni Major Espenido na hindi siya puwedeng sindakin ng mga pagbabanta at pananakot.

Para sa kanya, ang paglilingkod sa bayan, ay mas malaking salik para huwag matakot sa mga ilegalista.

Aba, kung ganyan ang katuwiran ni Major Espenido, masasabi nating dito siya nababagay sa Metro Manila lalo na sa Maynila upang makatulong kung paano wawakasan ang pamamayagpag ng sindikato ng ilegal droga.

PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa Sir, pakinggan po ninyo ang hinaing ng mga taga-Metro Manila lalo ng mga taga-Maynila.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *